Sponsored Links

Kung mayroon ka na lamang 500 pisong natitira sa iyong credit card, ano ang iyong gagawin? Maituturing na napaka swerte ng 34-taong gulang na Pinoy expat na nakatira sa Dubai ang nanalo ng Dh142,857 dahil sa Dh35 na tanging natitirang pera sa kanyang credit card at ibinili ng Mahzooz ticket.

Ayon kay Dennis, isang accountant, “That Dh35 was the last money I had on my credit card. I had originally meant to participate in the March 27 draw, but I submitted my entry just a few minutes late and so it rolled over to April 3. Thankfully, luck was really on my side.”

Ang nabanggit na halaga ng Dh53 o 35 Dirham ay nagkakatumbas lamang ng Php462.00. Gamit ang mga numerong 2-9-10-15-19-41, pinalad si Dennis na maging isa sa mga winners ng 1 million Dirham paghahati-hatian nilang 6 ng iba pang winners. Kasama sa mga nanalo ay sina: Muhammad, 29, from Pakistan; Shehar, 39, from India; Cris, 32, from the Philippines; James, 30, from Ireland, at dalawa pang hindi pinangalanang winners.

Marami na ding pagsubok umano ang nagdaan sa buhay ni Dennis lalo na ngayong pandemya at ilang buwan ding mahirap ang buhay.

“When I logged into my account and saw my winning balance, I had tears in my eyes. I was shocked and happy, but it took a while for the win to sink in,” pahayag ni Dennis.

 “I just got married last year and we have a new-born daughter, but in January I left my job and haven’t found a new one yet. Not having a job right now is difficult and this money is the gift my family needed”, dagdag pa nito.

Nakaplano na din umano kung saan mapupunta ang perang pinanalunan ni Dennis. “I’m going to use this money to fully pay off our house [loan] back in the Philippines. What makes me even happier is now I can go home for a while and spend time with my baby — she is my precious lucky charm. This (prize) is such a big help for my family and I’ll always be able to look at my house and say ‘Mahzooz gave me this house’. Thank you Mahzooz,” pahayag nito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here