Sponsored Links

Para sa pangarap, walang imposible at lahat ay kayang gawin upang marating ang mga minimithi sa buhay. Ito ay pinatunayan ng isang estudyante na naghanap ng paraan upang makapagpatuloy ng kanyang pag-aaral sa gitna ng pandemya at marating ang pangarap bilang isang sports teacher.

Si Kevin Gayoso ng Escalante City, ay nag aaral sa University of St. La Salle sa Bacolod City kung saang kailangan pang bumyahe ng mahigit dalawang oras mula pa sa kanilang bayan. Siya ang nagpapaaral sa kanyang sarili at nagtatrabaho upang makaipon ng pangtustos sa kanyang mga kailangan sap ag-aaral.

Kevin Gayoso

Naging usap-usapan ang kanyang pagbabahagi ng kanyang kwento dahil ito ay nagtitinda ng mga isda at iba pang mga seafoods upang kumite ng pera. Hindi umano ito nahihiya dahil mas nangingibabaw ang kahalagahan ng kanyang pangarap na maging isang sports teacher.

Kaya naman, minabuti nitong magtayo ng kanyang pwesto sa labas ng Mejar Apartment katabi ng Cokin Building sa harap ng Bacolod City National High School.

Nagtitinda ito ng samu’t-saring seafoods kagaya ng iba’t-ibang isda, crabs, shrimps, seaweeds, at iba pa. At para lalong dumami ang bumili ng kanyang mga paninda, napag-isipan umano ni Kevin na mag post sa Facebook ng kanyang paninda at kung saan sya pwedeng puntahan ng mga nais bumili ng kanyang mga paninda.

Nanawagan din si Kevin sa kanyang mga kaibigan n asana ay tulungan sya sa pamamagitan ng pagbili sa kanyang mga paninda upang makaipon sya ng pera sa maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Maraming mga netizens ang humanga sa tiyaga at sipag na ipinakita ni Kevin at napabilib sa determinasyon nito upang makapag-aral sa gitna ng kahirapan na hinaharap sa panahon ng pandemya. Umani ito ng maraming mabubuting komento at simpatya sa mga tao.

Bakli niyo ko isda para may pambayad ko sa tuition fee ko sa La Salle kag pra maka graduate ko kag maging Sports Teacher…

Posted by Kevin Gayoso on Monday, 21 September 2020

Samantala, ito ay patunay lamang na kahit ano pa ang katayuan sa buhay ay hindi hadlang ang kahirapan kapag may pangarap sa buhay nan ais abutin.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here