Sponsored Links

Kapag hilig mo talaga ang isang bagay at pinagsikapan mo ito makakamit mo ito sa tamang panahon. Ganito ang naging kwento ng buhat ni Genette Mujar 50-anyos na tubong Daraga,Albay.
Ang ating kababayan na si Genette Mujar ay gumuguhit ng pangalan sa bansang Canada bilang isang fashion designer.

Sa ngayon siya ang may-ari at Chief Operating Officer ng kanyang clothing company na Gnetz Design. Ngunit ang tanong ng karamihan paano nga ba nakamit ni Genette ang dating pinapangarap lamang mula sa pagiging caregiver patungo sa isang fashion designer.

Ayon sa Genette sa isang panayam sa kanya “Maraming nagtataka kung paano ko nagawa yung transition from caregiver to fashion designing,”
“Sabi ko, it’s been my passion ever since. Naantala lang, kasi siyempre, hindi tayo kasingyaman ng iba.”

Talaga palang hilig na niya ito noon bata pa lamang ay siya na ang nagdedesenyo at nagkukumpuni ng mga sirang damit ng kanyang mga kapatid. Hindi niya naipagpatuloy ang kagustuhan dahil na rin sa marami silang magkakapatid ay kapos upang mapag-aral sa isang fashion school ngunit nakapagtapos naman siya sa Bicol University hindi nga lamang sa kursong nais nito.

Naisantabi man ang pangarap nasa puso pa rin niya ito, at kalaunan nga ay nagkaroon ng pamilya na mas lalong naisantabi ang kinahiligan. Kalaunan upang makatulong sa pamilya, nagdesisyon itong mangibang-bayan kung saan sa isang pagiging overseas filipino worker o OFW ay hirap ang kanyang naranasan.

Nag-umpisa siyang manilbihan sa bansang Taiwan, Hongkong at ng magkaroon ng pagkakataon lumipad ito patungong Canada. ayon pa sa kwento Genette hindi niya mararanasan ito;

“Yung family na napuntahan ko, pagtatrabahuhin ako mula alas sais hanggang alas diyes ng gabi.

“Tapos, noong kinuwestyun ko sila kung bakit yun lang ang na-receive kong suweldo noong first month, nagalit sila.

“Hatinggabi pinalayas ako…” “Naiiyak pa rin ako pag naaalala ko yun.”

Buti na lamang may kakilala siyang nagmagandang loob na kuhanin siya. Dagdag pa niya “Kahit anong trabaho, mga part time—cleaning, cooking, babysitting—tinatanggap ko. There are times I work in nine families. Takbo dito, takbo doon.”

Kalaunan nakapagtapos ang kanyang mga anak, naisip niyang ituloy ang pangarap kaya naman nag-enroll ito sa isang fashion designer school na nakita lamang niya sa Facebook at doon nag-umpisa muli ang lahat, ang alab na matupad ang pangarap kahit na siya ang pinakamatanda sa kanyang mga kaklase hindi niya alintana. Lumipas ang panahon lahat ng sakripisyo at paghihirap ni Genette ay nagbunga. Sa ngayon isa na siya sa kilalang fashion designer sa Canada at nakapag fashion show na siya dito bukod sa pagkuha sa kanya ng malalaking kompanya.

Nainspire pa ba kayo sa kwentong buhay OFW ni Genette, ikomento lamang sa ibaba ang iyong saloobin.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here