Sponsored Links

Maaring ikaw ay isa sa mga anak, na nahihirapan na minsan dahil iniisip mo pa rin ang kapakanan ng iyong mga magulang kahit na ikaw ay nasa tamang edad na upang lumagay sa tahimik at magkaroon na rin ng sariling pamilya.

Maaring isa ka rin sa mga magulang na nag-iisip at umaasa sa iyong mga anak na sa kanilang pagkali ay sila ang mag-aalaga at bubuhay sa iyo dahil utang nila ang kanilang buhay sa iyo.

credit to Mommy Diaries PH | Facebook

Isang mommy na si Ciara mula sa Mommy Diaries PH ang nagbahagi ng kanyang pananaw at saloobin tungkol sa kung ano ba ang tama at sagutin ang tanong na “Dapat bang iasa sa mga anak ang pag-aalaga ng mga magulang bilang kapalit?

Ayon kay Ciary, “mali, mali, mali” ang ganitong kaisipan.

“Hindi maganda na naririnig ng ating mga anak sa atin na para bang tayo ay nanunumbat na utang nila ang buhay nila sa atin.” saad ni Ciara.

credit to Mommy Diaries PH | Facebook

Binigyang diin pa ni Ciara na responsibilidad ng mga magulang na palakihin ang mga anak, at hindi dapat umano bayaran ng mga anak ang pagsisikap at pagtatrabaho ng mga magulang upang suportahan ang mga anak dahil parti ito ng obligasyon.

“Masarap magka-anak. Masarap magpalaki ng anak, na marinig ang bawat ‘I love you, Mama/Papa nila’. Masarap na makita mo na masaya ang iyong anak” wika pa ni Ciara.

Subalit hindi naman nito sinabi na dapat nang pabayaan ang mga magulang, bagkus nagpa-alala din ito na kailangan din na huwag kalimutan ang mga magulang.

Masarap pa rin sa pakiramdam ang makitang nakangiti ang mga magulang kapag sila ay binigyan ng mga bagay kahit hindi naman nila hiningi, dahil sa pagkukusang loob ng anak.

credit to Mommy Diaries PH | Facebook

Maraming mga magulang naman ang naka-relate at sang ayon sa kanyang post.

“True. Our kids don’t owe us anything. Di nila ginustong mabuhay dito sa mundo. Tayo ‘yung naghanap ng anak. Therefore, it’s our responsibility na palakihin sila at hubugin na maging mabuting tao,” Komento ni Marie Mie Cordionan.

Ayon pa sa isang netizen ang mga anak ay hindi investment. “Di negosyo ang mga anak na pagdating ng panahon aasa ka sa return of investment. Magulang lang ang may obligation sa anak. Walang obligasyon sa’tin ang mga anak natin. Kung tumulong pagdating ng panahon, salamat. Pa’no kung hindi? Kaya dapat paghandaan ang pagtanda. Huwag natin iasa sa kanila,” sabi ni Albert Che.

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here