Sponsored Links

Ang pag-aasawa ay hindi lamang emosyon o kilig na nararamdaman. Ito ay isang desisyon na may kaakibat na malaking responsibilidad para sa iyong asawa at mga magiging anak. Maraming mga usapin at mga argumento patungkol sa bagay na ito. Kagaya lamang ng katanungan na “Ano ba ang nararapat: Tumira sa poder ng mga magulang o bumukod kapag mayroon nang asawa?

Ang mga katanungang ito ay siguradong may maraming kasagutan. Para sa iba, mas mainam pa rin ang pananatili sa lugar at poder ng mga magulang upang mas magagabayan sa buhay pagpapamilya. Subalit mas gusto din naman ng iba na bumukod na lang at magkaroon na ng sariling tahanan kasama ang asawa.

Hindi ito madaling desisyon para sa ilan na matibay ang samahan at relasyon sa magulang. Marahil mahirap ang paghihiwalay sa iisang bahay kasama ang mga magulang na ilang taon nang nakasama araw-araw.

Samantala, ang netizen na si Dharacel Anne Florendo ay nagbahagi ng kanyang opinion kung bakit mas mainam ang pagbubukod kapag mayroon ng asawa.

Unang dahilan: Mas mainaw umano ito dahil magkakaroon kayo ng privacy at ayon pa sa kanya ay dapat isang hari at isang reyna lamang ang nakatira sa isang palasyo. Mas madaling kumilos kapag walang ibang kasamang kamag-anak sa loob ng bahay, lalo na kapag mga magulang.

Ikalawang dahilan: Magagawa ang lahat ng gusto at hindi gusto at walang sisita o magagalit na ibang tao.

Ikatlong dahilan: Magiging independent sa mga desisyon lalo na sap agba-budget at gastos.

Ika-apat na dahilan: Sariling control at pagdidisiplina sa mga anak. Hindi na sumasali ang lolo at lola sa pagdidisiplina.

Ikalimang dahilan: Walang makikialam sa problema lalo na kapag may hindi pagkakaunawaan.

Ika-anim na dahilan: Matututong maging responsible

Ikapitong dahilan: Mas makikilala ang mister o misis dahil kayo lamang sa loob ng bahay. Mas maraming oras sa isa’t-isa.

Ikawalong dahilan: Pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan bilang mag-asawa.

Ika-siyam na dahilan: Bawas Stress

Ika-sampung dahilan: Magkakaroon ng matiwasay na pag-iisip o “peace of mind”.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here