Ang mga anak ay malaking biyaya mula sa Maykapal. Isang malaking hamon din ang pagpapalaki sa mga anak lalo na ang pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan hanggang sila ay tumanda na at magkaroon na ng sariling kakayanan na mamuhay.
Samantala, isang nakakamanghang pamilya ang mayroon ang mag-asawang sina Crispin and Clemencia Guelos na taga Iloilo. Si Mr. at Mrs. Guelos ay may maraming mga anak at lahat ay mga babae. Tiyak na hindi biro ang kanilang pinagdaanan para itaguyod ang mga anak sa kanilang pag-aaral.

Nakakamangha nga naman sila dahil ang anim na anak na babae ng mag-asawang Guelos ay mga policewoman na ngayon.
Hindi basta-basta ang pinagdaanan ng mag-asawa noon, at nagkaroon pa umano ng leukemia si Crispin at si Clementia ang nagtrabaho sa bukid. Dahil umano sa awa at tulong ng Diyos ay nakaahon sila sa kahirapan ng buhay.

Ang kanilang anim na mga anak na babae ay sina: PEMS Maria Cherry G. Demarana, PEMS Ma. Irene G. Habuyo, PSMS Sharon G. Dalit, PSSG Nerissa G. Federizo, Patrol Woman Era Dawn G. Buot and PCpl Merry Cris G. Asturias.

Maliban sa anim na anak na babae, may tatlong anak pa na lalaki sina Crispin at Clementia at lahat ay mga professionals na din. Pagsasaka at pagtitinda lamang ang naging trabaho ng mag-asawa, ngunit dahil sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa mga anak ay napatapos nila sila sa pag-aaral.

Ibinahagi ng Facebook page na Anthony Jimoga-on Photography ang kanilang photoshoot bilang isang pagpupugay sa kanilang mga magulang. Sa post na may caption, “Despite living in poverty, their parents worked hard as laborers (as construction workers, farmers, vendors, etc.) to send their children to school. But what’s incredibly amazing is all of their daughters graduated with different bachelor’s degrees but possessed brave hearts and strong minds to become successful police officers.”

Wika pa ng kanilang anak, “To succeed: work hard, never give up and above all cherish a magnificent obsession in learning the value of hard work by working hard..Tatay, Nanay, THANK YOU!”