Sponsored Links

Tuwing darating ang tag-init, marami sa atin ang nakakaisip ma pumunta sa iba’t-ibang beach resorts, pumunta sa mga bundok upang makapag hiking, at kung anu-ano pang mga summer activities. Subalit dahil nasa pandemya ngayon, marami sa atin ang nagtitiis na lamang sa loob ng bahay upang mas masiguro ang kaligtasan.

Dahil hindi na kagaya ng dati na pwedeng makagala basta-basta, ang iba sa atin ay naghanap na ng paraan upang maibsan ang pagnanais na makalabas at makapunta sa mga beach resorts.

Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng swimming pool sa bahay upang hindi na kailangan pang pumunta sa ibang lugar upang makapag-swimming.

Samantala, isinakatuparan nga ng pamilyang ito ang pangarap nilang magkaroon ng swimming pool. Isang mag-asawa sa Hagonoy, Bulacan na sina Mr. & Mrs. Bayani Roque ang gumawa ng kanilang do-it-yourself na swimming pool.

Hindi lamang sila basta-basta gumawa ng swimming pool dahil dinala talaga nila ito sa loob ng kanilang bahay. Ginawa nila ang kanilang lumang storage room na maging isang espesyal na swimming area. Noong una umano ay plano silang bumili ng isang inflatable na pool ngunit naisip nila na mas madali itong masira at hindi tatagal ang kanilang pag-gamit. Umabot umano ng tatlong buwan ang kanilang pag-construct ng swimming pool sa loob ng kanilang bahay.

Isang pamilya din nagbahagi ng kanilang DIY swimming pool. Ang pamilya Abaya naman ay ginawang swimming area ang kanilang dating kulungan ng baboy. Maganda ito dahil mayroon pang lights and sounds ang kanilang DIY swimming area.

Beat the heat, ika nga. Kaya naman kanya-kanya ng pamamaraan paano makagawa ng home swimming pool ang ating mga kababayan sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Marami pang mga DIY swimming pools ang ipinasilip ng programang GMA News Youtube.

Mas mainam na din ngayon ang makapag-bonding kasama ang pamilya at mga kaibigan sa mga DIY swimming pool dahil mas nakakatipid na sa gastos at mas ligtas pa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here