Sponsored Links

Usong-suso ngayon ang mga #friendship goals, at #couple, goals, sa social media kung saan marami ang nagbabahagi ng kanilang mga personal na kwento patungkol sa mga pangarap nila sa buhay bilang isang estudyante, kaibigan, o karelasyon. Kaya naman nauuso na rin ngayon ang expression na “Sana All” bilang pagpapahayag ng paghanga.

credit to GMA Public Affairs

Samantala, isang nakakabilib na kwento ng isang magkasintahan ang viral ngayon sa social media dahil sa isang boyfriend ang nakapagpatapos ng pag-aaral ng kanyang girlfriend.

credit to GMA Public Affairs

Si Catherine Bascon ay nakapagtapos na ng dalawang taon sa isang computer course. Naghanap ito ng trabaho pagkatapos nitong makapag-aral. Subalit nahirapan umano itong makapaghanap ng mas maayos na trabaho kaya’t ninais nitong mag-aral muli upang tapusin ang apat na taon sa kolehiyo.

credit to GMA Public Affairs

Subalit, isang malungkot na pangyayari ang sumalubong sa kanya dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Kinailangang magtrabaho ni Catherine upang makatulong sa pamilya dahil sya na rin ang inasahang breadwinner dahil may tatlo pa itong mga nakababatang kapatid.

Dahil nakita ng boyfriend ang pagnanais talaga ni Catherine na makapag-aral muli ay agad itong tumulong sa kanya.

credit to GMA Public Affairs

“Sabi niya ‘sige, maghanap ka ng school, alamin mo magkano tuition, requirements ta’s pumasok ka na,” saad ni Catherine.

Si Jeffrey Oyando ay boyfriend ni Catherine na nakapagtapos ng Information Technology, Jat nagtatrabaho bilang Senior Information Technology Analyst. Napakabait nito at napaka-supportive nito sa pangarap ng girlfriend.

credit to GMA Public Affairs

“Siguro nahalata niya na sobrang dami kong inapplyan na companies, walang maka-absorb sa’kin. Gusto ko sana yung related sa course ko kaso ‘di ako makapasok sa ganong field dahil nga wala akong degree”, pagkukwento pa ni Catherine.

Si Jeffrey ang sumagot sa lahat ng gastusin ng girlfriend sa pag-aaral, sa tuition fees, pati na rin sa allowance nito dahil ang per ani Catherine na kinikita sa pag-freelance ay tinutulong nya sa kanyang pamilya.

credit to GMA Public Affairs

“Never kong inisip yung mga ganong bagay. Sinabi ko sa kanya na ‘kapag pinag-aral kita, kung ano man mangyari, kung mag-break man tayo, ‘di ako yung tipo ng tao na naniningil. Kung tutulong ako, tutulong ako nang maluwag,” banggit naman ni Jeffrey.

Labis -labis din ang kanyang tuwa noong nakapagtapos na si Catherine.

“Siguro yung naramdaman nung magulang ko sa’kin nung grumaduate ako, ganon din siguro yung feeling nung grumaduate siya. Iba yung mapagtapos mo siya ng hard-earned money. Sobrang sarap sa pakiramdam,” saad nito.

Marami naming mga netizens ang humanga at humiling na sana ay maging matagumpay ang kanilang career pati na rin ang kanilang pagsasama.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here