Home News Ibayong diskarte ng 22-taong gulang na dalaga na naging milyonaryo dahil sa online selling

Ibayong diskarte ng 22-taong gulang na dalaga na naging milyonaryo dahil sa online selling

0
Ibayong diskarte ng 22-taong gulang na dalaga na naging milyonaryo dahil sa online selling
Sponsored Links

Simula noong nagkaroon ng Internet, marami na ang mga pagbabago sa buhay ng mga tao lalo na sa komunikasyon, pag-aaral, pati na rin trabaho at pagnenegosyo. Nauso na ang pagbebenta online o tinatawag na online selling.

Hindi maikakaila na mas mabilis ang pagtitinda sa online, at malaki rin ang matitipid dahil wala ka nang babayarang upa sa kuryente ng iyong shop, pati na rin upa sa iyong pwesto. Kaya naman marami ang nabibigyan ng pag-asa na mag negosyo online.

credit to Joyce Sibayan via Facebook

Samantala, isang netizen at online seller ang nagbahagi kung paano binago ng online selling ang kanyang buhay.  Ang 22-taong gulang na si Joyce Sibayan, ay nangarap lamang noon na magkaroon ng 7-digit income subalit higit pa sa kanyang inaasam ang kanyang natanggap at narrating.

credit to Joyce Sibayan via Facebook

Sa kanyang murang edad ay nagkaroon na sya ng milyon. “Worth it lahat ng pagod at pagtitiis, habang yung iba nag a-outing, living their life ang mga ganap. Ako, andito nag-iinvoice, nagpa-pack at nag la-live selling. Lumalaban, para sa pangarap,” pahayag ni Joyce sa kanyang Facebook.

Naranasan umano ni Joyce noon na magsara ng kanyang shop dahil nalulugi na ito. Marami din ang ‘downs’ ang kanyang naranasan sa negosyo ngunit hindi siya sumuko.

credit to Joyce Sibayan via Facebook

“Meron pong times na nag-breakdown po ako and nawala nga po ako sa sarili dahil sunod-sunod ‘yung nangyayari din sa business ko,” banggit pa ni Joyce.

Samu’t-saring paninda na rin ang sinubukan ni Joyce kagaya ng chili garlic oil, pre-loved clothes, at mga cosmetics. Subalit noong sinimulan nya ang online selling ay doon na sya naging matagumpay.

credit to Joyce Sibayan via Facebook

“Kaya sa mga katulad ko na, laging nasasabihan na walang mararating sa buhay at sa mga laging least chosen sa klase wag kayo panghihinaan ng loob!! Wala sa talino yan, nasa DISKARTE yan! Believe me, that’s the real deal in life,” pahayag pa ni Joyce.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here