Sponsored Links

Simula noong nagkaroon ng pandemya, mas nauso na at mas naging ligtas na option sa mga tao ang pagpapadeliver ng kanilang mga essential na pangangailangan lalong-lalo na ang pagkain. Kaya naman, kaliwa’t-kanan na ang nagnenegosyo ng food delivery service.

Hindi lamang dito sa bansa nauuso ang food delivery kundi pati na rin sa ibang lugar. Kaya naman ay sinubok din ng isang pinoy na mag negosyo ng food delivery service sa Melbourne, Australia.

credit to Joseph Ronald Calara

Siya ay si Calara, 38-taong gulang. Nanggaling umano si Calara at ang kanyang asawa sa United Arab Emirates (UAE) at nagpatayo ng restaurant na nagbebenta ng mga Asian foods lalo na ang mga pagkaing Pinoy, kasama na rin ang pagkakaroon nila ng boodle fight at unli-rice.

Sa kanilang paglipat at paninirahan sa Australia, naisipan naman ng mag-asawa na mag-build ng delivery app para makatulong din sa mga kapwa Pinoy.

Inaamin nil ana iba umano ito sa mga nakaraang negosyo na kanilang ginawa ngunit hindi sila natakot na makipagsapalaran.

“The biggest risk is not taking any risk”, banggit pa nila at naging inspirasyon sa kanilang bagong negosyo. Ayon naman kay Calara, ang kanilang food delivery app ay nagagamit sa southern part ng Luzon: Muntinlupa, San Pedro, Binan, Cabuyao, Sta. Rosa, Calamba, GMA, Carmona, Dasmarinas, at Bacoor. Mahigit 300 restaurants umano ang kanilang mga partners.

credit to Joseph Ronald Calara

Nag-eenjoy umano sila ng kanyang asawa sa kanilang business. Si Calara ang CEO at ang kanyang misis naman ang CPO. Naging partner pa nila sa negosyo ang classmate ni Calara sa college, na naging COO ng negosyo at in-charge ng pamamalakad ng negosyo sa Pinas.

Samantala, maraming natutulungan ngayon ang kanilang negosyo lalong-lalo na sa mga delivery riders pati na rin ng mga customers. Mas magiging ligtas pa ang pananatili lamang sa loob ng bahay at magpa deliver ng pagkain kaysa kumain sa labas.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here