Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sariling bahay na matitirhan. Mapayapa, maaliwalas, malinis, at masaya. May iba na gusto ang malaki at mala mansion na bahay, ngunit mayroon din naman nais lamang ng simple at maliit na tahanan.

Ibinahagi naman ni JM Domio sa kanyang Facebook account ang mga larawan ng kanyang bahay. Hindi man ito malaki ngunit masaya sya sa naging resulta nito.

Ang bahay ay gawa lamang sa mga magagaang materyales kagaya ng kahoy, yero, at amakan. Napakarami din ang kanyang mga halaman sa labas ng kanyang bahay. Ito ang nagpapaganda lalo sa tanawin sa kanyang paligid.

Ayon kay JM, hango ang kanyang bahay sa mga villa o cottages sa mga beaches. Napaka relaxing umano at presko ang kanyang bahay.

Sa ibang mga larawan ay ipinakita nya kung paano nagsimula ang proseso ng pag-gawa ng kanyang bahay. Nasimulan ang bahay kubo gamit ang iilang piraso lang ng iba-ibang uri ng kahoy. Pinili ni JM ang mga kahoy at iba pang materyales dahil mas mura umano ito sa kanilang probinsya kumpara sa pagpapagawa ng bahay na konkreto.

Umabot umano ng dalawang buwan ang kanyang pagpapagawa ng bahay. Kung titingnan ay maliit lamang ang bahay at simple at hindi mo aakalain na tatagal ang pagpapagawa.

Hands-on din umano si JM sa pagpapagawa nya ng bahay dahil para sa kanya ay hindi lamang ito basta bahay na kanyang titirhan kundi katuparan din ito ng kanyang pangarap.
Makikita sa mga larawan ang saya at tuwa ni JM dahil natapos din ang kanyang dream kubo. Malinis at Pulido ang pagkagawa sa kanyang bahay kubo.

Maraming netizens naman ang nainspire sa kanyang ibinahaging katagumpayan ng kanyang pangarap. Ayon pa sa mga netizen, ang simpleng bahay ay nagbibigay ng kakaibang uri ng kasiyahan. Sa paglalahad ni JM, umabot lamang sa 85,000 ang kanyang kabuuang nagastos sa kanyang dream kubo.