Home News Kakaibang diskarte ng isang ginang Isang netizen umabot sa 65k ang ipon sa 3 buwan

Kakaibang diskarte ng isang ginang Isang netizen umabot sa 65k ang ipon sa 3 buwan

0
Kakaibang diskarte ng isang ginang Isang netizen umabot sa 65k ang ipon sa 3 buwan
Sponsored Links

Sa araw-araw na ating pamumuhay, hindi natin maikakaila na kailangan natin ng pera upang mabili ang ating mga pangangailangan tulad ng pagkain, kasuotan, gamot, at iba pa. Mahirap kung wala kang pera upang mabili ang mga pangangailangang ito, kaya naman naghahanap tayo ng paraan upang kumita, magkatrabaho at makapag-hanapbuhay.

credit Facebook @CFO PESO SENSE

Sa kabilang dako, sa mayroon namang sapat na income mahalaga ang pagbibigay importansya sa pag-iipon. Kahit gaano pa ka liit ang halagang iniipon kung may disiplina at tuloy-tuloy ang pag-iipon, darating ang araw na mayroon kang malaking maiipon.

credit Facebook @CFO PESO SENSE

Kagaya na lamang ng kwento ng isang babae na malaki ang naipon dahil sa kanyang INVISIBLE 50 ipon challenge. Ang kwento ay ibinahagi sa Facebook page ng CFO PESO SENSE. Ang netizen umano ay nagsimulang nag-ipon noong Disyembre 2020 hanggag Marso 2021.

credit Facebook @CFO PESO SENSE

Ayon sa paliwanag ng netizen, tinawag nya itong ‘invicible 50’ dahil mistulang nawawala ang lahat ng kanyang 50 pesos dahil inilalagay nya ito sa kanyang alkansya. Sa kanyang gulat, hindi nya namalayan na umabot na malaking halaga ang lahat ng kanyang isinuksok sa alkansya na 50 pesos. Sa loob ng tatlong buwan, umabot umano sa Php65,000 pesos ang kanyang naipon.

credit Facebook @CFO PESO SENSE

Malaking bagay ang naidulot sa kanya ng pagiging isang madiskarte, at pagiging masipag sa pagnenegosyo katulad ng pagkakaroon ng maliit na tindahan, pagiging online seller, pagbebenta ng ukay ukay, negosyong pahulugan at iba pang pwedeng pagkakitaan.

credit Facebook @CFO PESO SENSE

Ayon sa netizen na ito, kahit maliit lamang umano ang kita ay hindi sya nawawalan ng motobasyon na magpatuloy sa negosyo dahil alam nya na magbubunga din ito ng Malaki balang araw. Kaya naman ay nagtityaga sya sa iba’t-ibang paraan na kumite at makapag-ipon.

“Nakapundar nrin pala kmi ng sasakyan 2ndhand na kotse,  motor at e bike na malaking tulong sakin… Nakakabili ng mga gamit na noon ay pinapangarap ko lang… Sa ngaun pangarap ko naman magkaroon ng sariling bahay. Pang 4th post ko na siguro dto. I hope next post ko dito nkabili na ako ng lote at nkapag pagawa ng kahit maliit na bahay. Pang palakas loob sa mga nawawalan ng pag asa. salamat PESO SENSE”, pahayag nito sa kanyang post.

credit Facebook @CFO PESO SENSE

Maraming netizens ang lalo pang nahikayat na mag-umpisa na sa pag-iipon upang may maidudukot pagdating ng panahon.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here