
Umani ng papuri ang 40-anyos na si Donnie ‘Ahas’ Nietes mula sa mga netizens matapos kumalat ang larawan nitong nakasuot ng pink, alam naman natin na nagungunang food delivery app sa ating bansa. Si Nietes ay edad 40-anyos na at kamakailan lamang ay yumuko sa kanyang nakalaban na Japanese superstar boxer na si Kazuto Ioka.

Isa sa hindi pinalad si Nietes sa kalabang hapon na marami na ring Filipino fighter ang pinabagsak nito. Makulay ang naging buhay ni Donnie ‘Ahas’ Nietes mula pagkakaroon lamang ng simpleng pangarap na makatapak sa ibabaw ng boxing ring. Dati siyang naging janitor at nakitaan ng potential sa larangan ng boxing.

Ngunit may kaedaran na ito ng makilala sa larawan ng boxing at hindi ito naging hadlang para makapagbigay karangalan sa ating bansa. Sa kabilang bansa hindi lahat ay sinusuwerte tulad ng ating pambansang kamao kaya naman si Nietes ay pinasok ang raket bilang delivery food rider. Kung saan nakilala ito ng maraming netizens. Labis na humanga ang mga ito sa kanya sa kabila ng hirap pinili pa rin nitong dumiskarte sa malinis na pamamaraan.

Ilan pa nga sa komento ng netizen sa kanyang kumalat na larawan ay; “Ang mag cancel ng order may black eye,” saad ng isa.“Pa-order po sir 2 pcs upper cut, 1 large right hook, 1 regular straight jab,” pagbibiro ng ilang netizen.

Ngunit ang lahat ng ito ay pabiro lamang, tunay nga angkin kagalingan ng minsan na ring tinagurian Donnie ‘Ahas’ Nietes sa ibabaw ng lona. Sa ngayon wala pa raw sa plano nitong magretiro bilang boksingero at kung may pagkakataon lalaban pa ito ng buong lakas at husay na kanyang taglay.