Home Tech Entertainment Kagandahan loob ipinamalas ni Bea Alonzo, Nang ipinagluto at inimbita ang mga Aeta sa Zambales sa kanilang farm

Kagandahan loob ipinamalas ni Bea Alonzo, Nang ipinagluto at inimbita ang mga Aeta sa Zambales sa kanilang farm

0
Kagandahan loob ipinamalas ni Bea Alonzo, Nang ipinagluto at inimbita ang mga Aeta sa Zambales sa kanilang farm
Sponsored Links

Isa sa pinakapipitagang aktres sa kasalukuyang henerasyon marami ang humahanga lalo na ang mga kalalakihan dahil na rin sa husay niya bilang artista, bukod pa sa taglay nitong kagandahan. Yan nga si Bea Alonzo, na kamakailan lamang ay naging usap-usapan dahil na rin sa pag-imbita nito sa mga katutubong Aeta sa kanilang farm sa Zambales.

larawan mula kay bea alonzo | youtube
larawan mula kay bea alonzo | youtube

Ngunit hindi lamang ito ang kanyang ginawa ipinaluto rin ng aktres ang mga Aeta at binigyan ng munting supresa. Kasama ng mahusay na aktres sa pagluluto ang kanyang kapatid na si James at sister-in -law na si Thalia. Kung saan hindi birong putahe ang inihain ng mga ito.

larawan mula kay bea alonzo | youtube
larawan mula kay bea alonzo | youtube

Specialties na Chicken Hamonado at Arroz Valenciana o Bringhe, ang inihain ng mga ito para sa kanilang mga bisitang Aetas. Tunay nga mabuti ang kalooban ng dalagang aktres na minsan na rin nasaktan sa kanyang buhay pag-ibig ngunit buo pa rin ang bukal na kalooban para sa mga hindi nabigyan ng marangyang pamumuhay.

larawan mula kay bea alonzo | youtube
larawan mula kay bea alonzo | youtube

Handa pa rin humarap at magpakababa sa mga katutubong Aeta na hindi mo makikita sa ibang nakakataas na antas ng pamumuhay. Marahil sasabihin ng iba na itinampok ito sa vlog ni Bea ngunit kung iyong mapapanood wala itong halong pagdradrama bagama’t purong kasiyahan at pagtulong lamang.

Kung sana ganito lamang ang makikita o mararamdaman natin sa ibang vlogger tuwing mapapanood natin ang kanilang mga videos, eh di sana maiiwasan ang mga isyu o hindi magandang komento sa mga ito. Ganunpaman makikita sa video ang lubos na kasiyahan ng mga Aetas pati na rin ang ina ni Bea na talaga naman napapaindak sa sayang dulot ng tagpong iyon. Mapapanood ang buong video sa vlog ni Bea Alonzo sa kanyang Youtube Channel.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here