Home Tech Entertainment Tinaguriang Real life Darna ibinahagi ang Farm nito na nabili bilang tirbute sa mga kababayan nating magsasaka

Tinaguriang Real life Darna ibinahagi ang Farm nito na nabili bilang tirbute sa mga kababayan nating magsasaka

0
Tinaguriang Real life Darna ibinahagi ang Farm nito na nabili bilang tirbute sa mga kababayan nating magsasaka
Sponsored Links

Sa panahon na paiba iba ang klima at dumadanas ang ating mundo ng hindi pangkaraniwang bugso ng panahon. Marahil nga ay walang permanente sa ating mundo, anuman ang bagay ay hindi mananatili kung anuman ito bagkus paglipas ng panahon ay magbabago ang uri nito. Lalo kung ang ating pag-uusapan ang nangyayaring init na nararanasan ng ating mundo, habang ang panahon ay lumalaon mas lalo tayong nakakaranas ng init sanhi ng tinatawag na Global warming.

Kaya naman ilan sa paborito nating artista tulad na lamang ng kinilalang real-life Darna na si Angel Locsin ay nagbahagi din ng kanyang ambag upang kahit papaano ay maibsan ang lumalalang problema ng kalikasan. Alam naman nating lahat basta patungkol sa kalikasan ay bukas palad ang pagtulong ni Angel, atin na rin itong nasaksihan sa mga sakunang nagdaan sa ating bayan kung saan nangangailangan ang ating mga kababayan ng tulong ay nakikita natin siyang tumutugon.

Sa isang vlog nito kasama ang kanyang asawa na si Neil Arce ibinahagi nila ang kanilang Farm na nabili sa isang lugar ng Bulacan, at kanila itong binisita kasama ang iba pa. Ganun pa man sa videong kanilang ibinahagi makikitang game pa rin sa mga aksyon ang ating bida. Sumusubok magpala at magtabas ng damo ganundin ang pagtatanim ng puno. Sa nabanggit na Farm, makikita ang lawak nito at nagawa pa nga subukan ng mag-asawa na mag-golf dito.

Maaninag na may iilang mga tanim na rin sa paligid ng nasabing farm, sa tantya malamang sa daang ektarya din ang lupang ito. Sambit pa nga ni Angel ay wala pa itong ngalan kaya naman hinihikayat niya ang ilan sa kanyang mga tagahanga na magbigay suhestyon kung ano ang magandang ipangalan dito.

Ayon sa pa sa kanya ang lupang ito ay binili niya bilang pagpapahalaga sa mga kababayan nating magsasaka. Waring matagal ng nabili ito at kung susuriin sa panahon ngayon malamang ito ay umaabot na sa malaking halaga bawat sqm na sukat nito. Tunghayan ang buong video sa kanilang Youtube channel kasama ang iba at ang kanyang pinakamamahal na asawa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here