Sponsored Links

Sa kabila ng ilang mga negatibong imahe tungkol sa mga kapulisan, mas marami pa rin ang tapat sa tungkulin at naglalayon na makatulong sa kapwa kahit pa sa personal na pangangailangan.

Isang kahanga-hanga na kabutihan ang ipinakita ng isang pulis na si Patrolman Joseph Cereza ng Petal, Dasol, Pangasinan.

credit to pulis hokage | facebook

Ayon sa kwento ng FB page na Pulis Hokage, mayroon umanong isang babae na nagtitinda ng gulay na si nanay Rosela. Isang araw ay napadaan umano ito sa harap ng pinagdu-dutyhan ng pulis na si Cereza. Nakita ni Cereza na nasira umano ang sidecar ni nanay Rosela na ginagamit sa paglalako ng mga gulay.

Naawa umano si Cereza sa babae at kinuha nito ang kanyang pangalan at contact number dahil nangako umano ang pulis na papalitan nya ang sidecar na ginagamit ni nanay Rosela.

credit to pulis hokage | facebook

Ayon pa kay Cereza ay naaalala nya ang kanyang ina kay nanay Rosela dahil nagtitinda din daw iyon ng mga gulay.

Inimbitahan umano ni Cereza si nanay Rosela at ang kanyang pamilya na dumalo sa kanilang Sunday service kung saan sila nagsisimba ng kanyang mga kaklase at FTO sa pangunguna ni Police Chief Master Seargent Edwin Mama-o.

credit to pulis hokage | facebook

Pagkatapos ng simba ay sinurpresa ni Cereza si nanay at pamilya nito dahil binigyan nya si nanay Rosela ng bagong sidecar at sabay din noong araw na iyon ay ipina-basbasan na Cereza ang naturang sidecar. Bukod pa rito, nagbigay din sya ng pera sa pamilya.

Simula noon ay naengganyo na silang magsimba doon dahil sa kabutihang ipinakita ni Cereza. Hindi lamang materyal na bagay ang naitulong ng pulis sa babae kundi pati na rin ang kabutihang espiritwal.

credit to pulis hokage | facebook

Mula noon, doon na nagsisimba sa House of Prayer Church si nanay Rosela pati ang mga anak nito. Sumasali pa sila sa weekly prayer meeting tuwing Miyerkules.

Labis ang pasasalamat ni nanay Rosela sa tulong ng pulis dahil makakapag-hanapbuhay na sya ng maayos gamit ang bagong sidecar.

Marami naman ang sumaludo kay Cereza dahil sa kabutihan sa kanyang kapwa. Isang police trainee ng Sta Cruz Police Station, Sta Cruz, Ilocos Sur umano si Cereza. Sana ay mas marami pa syang matulungan balang araw.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here