
Ang edukasyon ang isa sa mga apektakong sektor ngayon dahil sa pandemya. Hindi na nakakabalik sa paaralan ang mga bata dahil sa pansamantalang ipinagbabawal muna ang face-to-face na pag-aaral upang mapanatili ang kaligtasan ng marami at maiwasan ang mabilis na paglaganap ng virus. Kaya naman, naging “new normal” na ngayon ang remote learning kung saan online na at modular ang sistema ng pagtuturo sa mga bata.

Samantala, maraming mga magulang naman ang nahihirapan sa ganitong sistema dahil hindi lahat ay kayang bumili ng gadget at makapagpakabit ng internet. Marami din ang nahihirapan sa pagbili ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak dahil marami din ang nawalan ng hanapbuhay at trabaho.

Sa kabilang dako, isang kahanga-hangang guro ang nagbahagi ng kanyang kwento kung paano nito natulungan ang kanyang mga estudyante.

Si Muhammad Nazmi ay isang guro sa paaralan ng SK Long Sukang sa Sarawak, Malaysia kung saan ang mga estudyante doon ay hirap na magkaroon ng kanilang sariling school supplies dahil sa hirap din ang kanilang pamumuhay.

Naawa si teacher Muhammad Nazmi sa kalagayan ng mga bata doon kaya minabuti nitong ibenta ang sariling mga koleksyon ng mga laruan upang makalikom ng pera at makabili ng mga school supplies ng kanyang mga mag-aaral dahil napamahal na sila sa kanya at tinuturing nya itong kanyang mga anak.

Sa tagal din ng kanyang pagtuturo sa paaralan ay napamahal na sa kanya ang mga bata, ngunit kailangan umanong magpaalam ni teacher Muhammad Nazmi dahil siya ay na-assign na sa ibang paaralan. Nagbakasakali lang umano si teacher Muhammad Nazmi noong ipost nya ang kanyang collection ng mga anime characters upang ibenta ito. Nagulat sya at nagpapasalamat noong may taong gusting bilhin lahat ng kanyang collection.

Sa kabila ng remote learning, nais pa rin na makita ni teacher Muhammad Nazmi ang kanyang mga mag-aaral sa huling pagkakataon upang personal na maibigay ang mga pinamili nitong gamit para sa kanila at para na din remembrance nila sa kanya.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni teacher Muhammad Nazmi na masayang-masaya ang mga bata sa kanilang surpresang natanggap.