Sponsored Links

Bawat isa ay may kanya-kanyang pagsubok na dinaanan sa buhay at may mga suliraning sumubok sa katatagan ng isang pamilya.

Isang kahanga-hangang estudyante ang nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kabila ng malungkot at mapait na nakaraan ng kanyang pamilya.

credit to Michael Babiera Malarasta | Facebook

Ibinahagi ng netizen na si Justin Jay Malarasta at isinariwa ang kanilang pinagdaanan dahil umano ay namuhay sila na tanging ang kanyang ina lang ang naghanapbuhay at nagsumikap na maitawid sila sa buhay at mapa-aral. Iniwan umano sila ng kanyang ama at sumama ito sa isa nyang pamilya.

credit to Michael Babiera Malarasta | Facebook

“One of the reasons is that my mother is a single parent with no permanent job and she is incapable of supporting me financially to continue my studies. She is the one who supported my studies during elementary and high school by selling vegetables and other goods in our neighborhood to sustain a living.

My parents separated and my father left us during my childhood days and live with his second family. Concubinage ika nga sabi sa Article 334 of the Revised Penal Code during our discussion in Criminal Law Book 2. But despite [of] what he [had] done, I do not have any ill-feelings towards him. I still love him because at the end of the day he is still my father. I just accepted the reality, moved on and continued the life that I have,” pahayag ni Justin sa kanyang post.

credit to Michael Babiera Malarasta | Facebook

Si Justin ay bunso sa anim na magkakapatid at mag-isa lang ang kanilang in ana nagtaguyod sa kanila. May mga panahon umano na kinailangan na pansamantalang tumigil ng pag-aaral ang ilan sa kanila upang hintayin na may isa muna na makapagtapos sa kolehiyo dahil hindi kaya ng kanilng single mother na pagsabayin sila sa pag-aaral.

Tumatak sa puso ni Justin ang kanilang hirap na dinanas, at ito ang naging daan upang pagbutihin nya ang kanyang pag-aaral at nagsumikap talaga sa buhay.

credit to Michael Babiera Malarasta | Facebook

“From that situation I made a promise to myself that I will never do the same thing that my father have done because I knew the feeling of how it is to be part of a broken family not just broken but financially broken family,” saad pa nito.

Nakapagtapos umano sa kolehiyo ang kanilang panganay na kapatid na si Michael dahil pinag-aral ito ng kanilang tiyahin. Natulungan ni Michael si Justin sa pag-aaral ngunit hindi pa rin ito sapat kaya naman naghanap din si Justin ng ibang paraan upang matulungan ang sarili. Pumasok ito sa iba’t-ibang trabaho.

Sa kabila ng hirap, si Justin ay nagtapos bilang magna cum laude at Valedictorian ng kanilang batch sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) – Cavite Campus. Kanyang binigyang pugay ang kanyang ina at mga kapatid sa kanyang valedictory speech.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here