Sponsored Links

Bawat tao ay may kanya-kanyang hirap na pinagdaanan upang makamit ang tagumpay at maabot ang mga pangarap. Mas hamon para sa mga salat sa yaman ang pag-abot ng mga pangarap, subalit basta’t mayroon sipag, determinasyon, at tiyaga ay walang imposible.

Ibinahagi ni Police Officer Renx Francisco D. Ramos kung paano sya nagsimula noon, at kung ano ang kanyang mga pinagdaanan bago nya narrating ang kanyang kinalalagyan ngayon.

credit: Facebook/Tambayan NG PULIS

Nanggaling sa isa lamang mahirap na pamilya si Renx. Sa kanyang pagsasalaysay ay kinailangan nya umano dating pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil hindi sya kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang.

credit: Facebook/Tambayan NG PULIS

Nagtrabaho siya bilang isang delivery rider ng Grab Food, at naging isang service crew din ng isang sikat na fast food chain.

May mga pagkakataon umano na sobrang nahirapan na sya sa kanyang kalagayan subalit hindi sya talaga sumuko para sa kanyang pangarap na maging isang pulis.

credit: Facebook/Tambayan NG PULIS

“HUWAG TUMIGIL NA ABUTIN ANG PANGARAP! Working student ako sa jollibee. Pagkatapos ko ang sarili ko at nag delivery food muna habang naghihintay ng quota sa PNP at sa wakas, naabot ko na ang pangarap ko. Successful men and women keep moving. They make mistakes, but they don’t quit”. Mensahe ni Renx Francisco D. Ramos PNP-AVSEGROUP CLASS 2020-02 ALAB-BALASIK”

Hindi naman nabigo si Renx at dahil sa kanyang pagsusumikap ay naging ganap na siyang alagad ng bayan.

credit: Facebook/Tambayan NG PULIS

Hindi na raw bago ang mga kwentong katulad ng kanyang pinagdaanan, subalit nais lamang daw ni Renx na makapagbigay inspirasyon sa mga kabataan lalong-lalo na sa mga dumadaan sa hirap ng buhay. Wala umanong imposible.

Hindi naman nabigo si Renx sa kanyang nais dahil maraming mga netizens ang nainspire sa kanyang sariling kwento ng tagumpay. Hiling naman ng ibang netizens n asana ay maging mabuting pulis si Renx na maging tapat sa tungkulin at sa layuning maging maayos at mapayapa ang ating bansa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here