Sponsored Links

Ang mga baby ay may maraming mga pangangailangan. Hindi basta-basta ang gastos lalo na sa gatas  at sa kanilang diapers. Kaya naman may ilang mga magulang na humahanap ng mga paraan kung papaano makakatipid.

Isang mommy ang nagbahagi kung paano sya nakatipid ng malaki dahil sa kanyang alternatibong paraan ng pag-gamit ng cloth diapers.

credit Marian Candace Tan-Jinahon | facebook

Ayon kay mommy Marian Candace T. Jinahon, nakatipid sya ng aabot 112, 000.  Taong 2018 pa umano unang nadiskubre ni mommy Marian habang bunti pa lamang sya. Ang cloth diaper ay tila lampin na ang tabas ay may Velcro-type hook-and-loop fastener.

Dahil sa kanyang interest, naghanap sya sa social media hanggang sa nakita nya ang Facebook page na Cloth Diaper Advocates Philippines (CDAPH) kung saan din nya nabili ang mga unang preloved cloth diapers na kanyang ginamit para sa kanyang anak.

credit Marian Candace Tan-Jinahon | facebook

Noong una ay sinubukan pa umano ni mommy Marian na gumamit ng disposable diapers subalit nakita nya kung gaano kadaming basura ang naiipon mula lamang sa mga diapers na nagamit.

Kaya mas lalo pa syang nahikayat na gumamit ng cloth diapers para mas maiwasan ang pagdami ng basura na nakakasama sa kalikasan.

credit Marian Candace Tan-Jinahon | facebook

Noong Marso lamang ay umabot na sa 93 cloth diapers ang naipon ni mommy Marian, kasama na rin ang 115 flats at 15 boosters.

Ngayon ay 5 taon na rin ang panganay na anak ni mommy Marian at nagagamit nya pa rin ang mga cloth diapers sa kanyang pangalawang anak na ngayon ay 5 buwan. Ayon pa sa kanya, sa loob ng 2 taon na gumagamit sila ng cloth diapers, ay umabot lamang ng 33, 000 ang gastos nila sa 350 sets kumpara sa 145, 000 na magagastos sa disposable diapers sa tatlong taon.

credit Marian Candace Tan-Jinahon | facebook

Nakatipid nga sila umano ng 112,000 dahil sa mga cloth diapers, at napakalaking tulong din sa kalikasan dahil aabot sa 14, 520 piraso na disposable diapers ang maaring maging basura nila.

Nakakabuti din sa kalusugan ng baby ang pag-gamit ng cloth diapers dahil mas naiiwasan ang UT at rashes. Nais naman ni mommy Marian na mahikayat ang iba pang mga mommies na gumamit na din ng cloth diapers dahil sa maraming benepisyo nito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here