Sponsored Links

Likas na sa mga magulang ang pagnanais na mabigyan ng magandang buhay ang mga anak, mapasaya at maging gabay sa kanilang paglaki. Subalit minsan ay hindi man gustuhin ngunit may mga hamon sa buhay at mga paghihirap na dinaraanan na pati ang mga anak ay maapektuhan.

Ngunit kahit mahirap ang buhay, nais pa rin ng isang ina na mabigyan ng masayang kaarawan ang kanyang anak. Kaya naman ang inang si Mary Ann ay naghanap ng paraan upang mabigyan ng masayang 7th birthday ang kanyang anak na si Jhannel.

Dahil sa post ng netizen na si Kim Raytos, marami ang naantig ang damdamin ng makita nila ang simpleng paraan ng isang ina para mabigya ng 7th birthday ang kanyang anak sa gilid ng bangketa. Nakita umano ni Kim si Jhannel na naka unicorn dress sa isang bangketa sa labas ng Idelfonso Church sa Makati. May happy birthday na nakasulat sa karton at ipinadikit sa dingding sa kinatatayuan nila.

Marami ang nagpahayag ng pagnanais na magbigay ng pang birthday kay Jhannel.  “San sila located? Willing ako gumawa ng 7th birthday gown for her”, pahayag ng isang netizen.

“San to banda sa Makati? Sagot na namin Unicorn theme cake niya kahit medyo late po at tapos na celebration ng birthday niya baka pwede pa maihabol”, dagdag pa ng isang netizen.

Naging masaya ang 7th birthday ni Jhannel dahil marami ang nagbigay ng tulong at panghanda nito. Mayroong nagbigay ng unicorn cake, spaghetti, donuts at marami pa.

“Nagpapasalamat sila nang marami sa mga patuloy na pagbigay ng tulong at sa mga suporta na kanilang mga natanggap”, pasasalamat naman ng inang si Mary Ann. Kahit na tapos na ang kaarawan ng bata ay tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng tulong sa kanilang mag-ina.

Nagpaabot din ng pagpapasalamt ang uploader na si Kim sa malaking tulong na nagawa ng kanyang pagbabahagi ng kwento tungkol sa mag-ina. “Maraming salamat po sa inyong lahat, sa lahat ng taong walang sawang tumutulong sa kanila. God bless po sa inyo.”

Kasalukuyang naroon pa rin nakatira ang mag-ina dahil hindi daw nila maiwan ang bahay ng namayapang umampon sa kanila. Ngunit nais din naman nila sa susunod na lumipat at makahanap ng maayos na tirahan kung mayroong tutulong sa kanila.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here