Sponsored Links

Isa sa mga pinakamahalagang araw sa buhay ng mga mag-asawa ay ang araw ng kanilang kasal. Ito ay madalas na pinaghahandaan ng mabuti, upang maging maganda at memorable ang espesyal na araw na ito. May ilan na gusto ng magarbong selebrasyon, ngunit ang iba ay nais na simple lamang at makahulugan ang pagdiriwang.

Maraming mga unique na pamamaraan na ngayon ng mga wedding ceremony. Ngunit kahit anupaman, simple man o magarbong kasal, ang mahalaga ito ay ginagawa dahil sa pagmamahal, at pangako sa isa’t-isa.

Samantala, isang nakakatawang pangyayari sa araw ng kasalan ang ibinahagi ng isang netizen na nagging viral.

Ikinwento ni John Alvin Torrente sa kanyang Facebook ang isang nakakatawang pangyayari sa araw mismo ng kanilang kasal.

“Alam nyo bang pag tapos ni ijo bitawan ung wedding vow nya lumobo ung sipon nya at mula nun di na ko nakinig kay father tumawa nlng ako ng tumawa hanggang matapos yung kasal. Hahaha sabi nya wag ko na ipagsabi pero 2 years naman na kaya baka pde na ikwento.” paglalahad nito sa kanyang post kasama ang mga throwback wedding photos nila na talaga naman makikita na sila ay masaya.

Matagal na naman umano ang kanilang at umabot na ng dalawang taon ang sikretong ito kaya ibinahagi na nito sa social media habang ginugunita ang araw na iyon.

Labis na tawa na umano ang nagawa ni Alvin sa kanyang asawang si Mariejo Ballatan-Torrente kaya’t hindi na ito nakapag-concentrate sa sinasabi ng pari na nagkasal sa kanila.

Hanggang sa reception umano ay lumobo pa rin ang sipon ni Mariejo.

“Eto pa malupet, nung hiniwa na naming ung cake, lumobo ulit hahaha king ina kaya girlz pls wag kayo magpakasal ng may sipon kayo para di magmukang tanga asawa nyong tumatawa mag-isa, “dagdag na kwento pa ni Alvin.

Maraming netizens talaga ang natawa sa post na ito ni Alvin at sa kasalukuyan ay umabot na ito sa 135k reactions, 67K shares, at 632 comments.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here