Home News Walang Diploma, Mababang grado: Hindi naging hadlang sa pagiging matagumpay ng isang netizen

Walang Diploma, Mababang grado: Hindi naging hadlang sa pagiging matagumpay ng isang netizen

0
Walang Diploma, Mababang grado: Hindi naging hadlang sa pagiging matagumpay ng isang netizen
Sponsored Links

“Mag-aral ka ng mabuti dahil iyon ang magdadala sayo sa tagumpay”. Ang mga kasabihang ito ay madalas nating naririnig sa ating mga magulang at mga nakakatanda.

Sa buhay ngayon, marami na ang nagpapatunay na hindi diploma at matataas na grado ang tanging kailangan upang umasenso sa buhay at magtagumpay sa anumang pangarap.

Ayon sa kwento ng isang netizen na si Ian Gonzeles sipag, diskarte at pananalig sa Diyos ang naging pinaka puhunan nya upang maabot at makamit ang mga tinatamasa nyang magandang buhay ngayon.

photo credit to Selaznog Nai | Facebook

“Hindi Grades o Diploma Ang Batayan sa Panahon Ngayon. Kilos mo, galaw mo at Diskarte mo Yan Ang labanan  Sa Panahon Ngayon.” pahayag nito sa kanyang FB post.

“Sipag at Tiyag lang Samahan muna din ng Dasal Lahat tayo aasenso. Salamat po papa G araw araw blessing” dagdag pa nito.

photo credit to Selaznog Nai | Facebook

Makikita sa kanyang post na mababa man ang kanyang mga grado noong siya ay nag-aaral, hindi ito naging hadlang upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

May mga taong sadyang hindi mahilig mag-aral at hindi masyadong interesado sa pag-aaaral, subalit pagdating sa trabaho ay umaasenso at nagiging angat ang diskarte. Kaya nga ng netizen na si Ian na ngayon ay nagmamay-ari na ng isang business sa Batangas na pinangalanang Classical Works Batangas.

photo credit to Selaznog Nai | Facebook

Ang kanyang negosyo ay car parts, air suspension, fender roll, lowered, paint, under chassis and suspension works.

Marami na din syang mga customers at unti-unting lumalago ang kanyang munting naipundar na negosyo. Hindi man sya nakapagtapos sa kolehiyo ngunit ang kanyang determinasyon at pagtitiyaga sa buhay ay nagbunga na rin.

photo credit to Selaznog Nai | Facebook

Mahalaga ang pag-aaral, at makapagtapos sa kolehiyo, ngunit may iilan na hirap sa buhay at hindi kayang makapag-aral hanggang kolehiyo, subalit huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil hindi ito katapusan ng mga pangarap.

Humanap tayo ng paraan upang makapagpatuloy sa buhay gamit ang sipag, diskarte, at pagmamahal sa trabaho. Gamitin natin kung anumang talent ang mayroon tayo upang makapaghanap ng trabaho o makapag simula ng isang negosyo.

{via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here