Sponsored Links

Ano ang kaya mong isakripisyo at gawin para sa iyong pag-aaral? Noong nakaraan ay ipinatupad na nga ng DepEd ang modular at online learning na pamamaraan ng pag-aaral upang mas maging ligtas ang mga estudyante pati na rin ang mga guro sa banta ng kumakalat na sakit dulot ng coronavirus.

Marami ang nagdadaing na mahirap daw ang new normal na pag-aaral dahil hindi masyadong naiintindihan ng mga bata ang kanilang mga leksyon kumpara sa face-to-face na pagtuturo ng mga guro. Subalit wala namang ibang paraan kundi tiisin ang ganitong sistema hanggang sa bumalik na sa dating normal ang lahat.

Samantala, sa kabila ng mahirap na pag-aaral, hindi alintana ng isang estudyante ang lalo pang hirap na dinaranas nito dahil ipinagsasabay nya ang pag-aaral sa kanyang trabaho.

Ayon sa post ng isang netizen na si Rael Jr Rael, isang kahanga-hangang dedikasyon at sipag ang ipinakita ng isang estudyanteng lalaki na sumasagot ng kanyang mga module habang nasa trabaho ito bilang isang construction worker.

it iba na give up matungud hit module 😔samantala ta adi na constraction worker, gindadara pa niya it iya module ha…

Posted by Rael Jr Rael on Tuesday, October 13, 2020

“Very Impressive. To those who are wasting their time..for him time is Gold, time is valuable. Students, make him an inspiration to your future and success in life. HE IS A GOOD EXAMPLE,” wika ng isang netizen.

Hiling naman ng netizen na nagbahagi ng kwento ay mapansin ng pamahalaan ang estudyanteng nasa larawan at mabigyan ng isang scholarhip program para matulungan sa kanyang pag-aaral.

Pahayag pa ng isang netizen, “Wow!!!May pangarap ang batang ito,at mararating niya ang kanyang pangarap dahil sa nakikita ko. Good job boy”.

“Tama lang naman na mapansin ang ganyang mabuting gawain. Sa kanyang murang edad mayroon na siyang positibong pag-iisip. Hindi madaling magtrabaho tulad ng construction dahil mabibigat ang mga gawain nito. Ang mga ganyang tao, interesadong mag-aral ay yun sana ang bigyan ng scholarship ng anumang ahensya ng ating pamahalaan. Dahil ang iba diyan, kayang makapag-aral ng tuwid ay sila pa yung mga ayaw mag-aral ng tama. Sana maging modeloka sa mga batang nag-aaral din upang sa ganon magkaroon ng magandang kinabukasan sa hinaharap. Malay natin kung mabigyan siya ng libreng pag-aaral ng ano mang sektor ng ating gobyerno ay walang balakid na makakapagtapos dahil malawak ang kanyang kaisipan. Soon to be engineer!”  pahayag pa ng isang bumilib na netizen.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here