Sponsored Links

Ang pagnenegosyo nga naman ay parang sugal. Hindi mo nasisiguro kung kikita ka talaga at magiging matagumpay. Ngunit kapag hindi mo sinubukan at hindi mo tatanggalin ang mga takot at pangamba sa iyong isipan, ay hindi mo malalaman ang magiging resulta ng negosyong iyong papasukin.

Try and try until you succeed, ika nga. Ngunit susubok ka pa kaya kung ilang beses ka nang nalugi at nag-fail?

Para kay Princess San Diego, hindi hadlang ang mga pinagdaanang negatibo sa mga nakaraang negosyo dahil kahit na 14 na negosyo na ang kanyang sinubukan ay hindi pa rin ito tumigil hanggang sa maging matagumpay ito.

Si Princess ay nakapagtapos sa kursong Information Technology at dating OFW ngunit minabuti nitong bumalik sa bansa noong ito ay nakapag-ipon na para makapagsimula ng negosyo.

Ngunit hindi naging madali ang lahat para kay Princess. Naging failure ang marami sa kanyang mga sinubukang negosyo hanggang sa naisipan nitong ibalik at iimprove ang kanyang leche flan business.

Naranasan din nyang magbenta ng mga gadgets online, nagkaroon barbecue stall, at isang restaurant. Subalit lahat daw iyon ay hindi nagtagumpay.

Isang araw umano ay naisipan ni Princess na iimprove ang kanyang leche flan at nag eksperiemento ito at gumamit ng matcha. Labis na nagutuhan ng mga tao ang kanyang paninda. At doon na angsimula ang kanyang tagumpay at nagbago ng kanyang buhay.

“I first started posting on my personal Facebook account about it just to brag about what I’ve made. But when I started receiving inquiries about it from my friends, I decided, well, this is going to be a business,” pahayag nito.

Nagsimula lamang daw sa 1000.00 piso na puhunan sa pagbenta ng 25 latang matcha-flavor leche flan at agad itong naubos. Dumami ang bumili at umorder at sa loob lamang ng isang lingo ay natriple na nya ang kanyang puhunan.

Umabot pa daw sa 20,000.00 ang kita nito sa isang lingo sa sobrang lakas ng paninda nitong leche flan at nagkataon din na magpapasko noon at marami ang umoorder.

Nagbigay din sya ng mga samples sa mga customers ng kanyang asawa sa kanilang automotive shop. Hanggang sa dumami ng dumami ang tumangkilik sa kanilang produkto. Makaraan ang isang buwan ay marami na silang resellers at pagkatapos ng taong 2018, mahigit 40 na ang resellers ng kanilang “What’s your Flan” business.

Naisipan din ni Princess na bigyan pa ng mga panibagong flavors ang kanyang leche flan para hindi umano magsawa ang mga bumibili. Dinagdagan nya ito ng coffee milk tea, tiramisu, dalgona avocado gelato, Peruvian flavored flan, caramel, at iba pa.

Umabot ng milyon ang kanyang kita dahil lamang sa kanyang leche flan business. Sa kabila ng hindi nya pagsuko at sa wakas nakamit nya rin ang tagumpay na inaasam sa pagnenegosyo.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here