Sponsored Links

May mga kwneto ng tagumpay na minsan ay mapapatanong ka talaga kung paano nila narrating ang rurok ng tagumpay sa kabila ng kanilang napakahirap na pinagdaanan. Ngunit tunay na sila ay talagang nagwagi sa mga hamon ng buhay at naging matagumpay sa kanilang tinahak na landas.

Isa na rito si Rey Calooy na isang dating kasambahay at market porter na naging mayaman, hindi lang basta-basta yumaman kundi naging may-ari pa ng isang multi-million company.

Si Rey ay dating taga Leyte at doon din sya ipinanganak. Subalit sa hirap ng buhay ay nakipag-sapalaran ang kanyang pamilya sa Cebu City at doon din sya nakahanap ng trabaho bilang kasamabahay at market porter.

Dahil sa kanyang pangarap, hindi sya sumuko sa kabila ng hirap ng buhay. Naghanap sya ng paraan upang makapag-aral sa kolehiyo. Payo umano ng Chinese boss ni Calooy sa market ay kumuha sya ng B.S. Accountancy dahil umano hindi sya mawawalan ng trabaho dahil lahat halos ng mga kompanya ay nangangailangan ng isang accountant.

Maliban pa sa pagpapa-aral nya sa kanyang sarili, paunti-unti ay nag ipon si Calooy ng pera upang makapag simula ng sariling negosyo.

Noong 1994 ay nasimulan nya ang RNC Marketing, isang maliit na packaging company na nagrerepack ng mga pangunahing sangkap at pangangailangan katulad ng mantika, kape, asukal, creamer, at kung anu-ano pa na madalas ginagamit sa restawrant, hotel, at bahay.

Ayon kay Calooy kahit na marami umanong nagtitinda ng mga produktong kanyang ibinibenta, mas malalaking kompanya naman umano ang iba, at wala syang halos kakompetensya sa repacking business.

Sa kasalukuyan ay makikita na rin sa mga grocery stores at mga local supermarkets ang mga produkto na nanggaling sa RNC Marketing Company na pagmamay-ari ni Rey Calooy.

Tunay ngang walang imposible kahit pa gaano ka laki ang pangarap basta’t ito’y pinagdadasal, at ginagawan ng paraan na kahit paunti-unti ay maaabot.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here