Sponsored Links

Ang malunggay ay isa sa maituturing na napakasustansyang gulay. Bukod sa mura na ito, at minsan ay libre lamang  kapag may naitanim ka sa iyong bakuran.

Marami nang buhay ang natulungan ng malunggay dahil sa angkin nitong sustansya. Ngunit bukod pa rito, natulungan din ang buhay ng mag-asawang sina Merlita at Jun Salcedo na nagmamay-ari ng herbal products brand na Super Moringa.

credit to Net 25 | YouTube

Sa program ani Robin Padilla na UNLAD Kaagapay sa Hanapbuhay, tampok ang kwento ng mag-asawa kung paano sila nagsimula ng kanilang negosyo mula sa malunggay. Ayon kay Merlita, “napakahirap umano maging mahirap kaya naman naghanap sila ng paraan upang makapagsimula ng negosyo.

credit to Net 25 | YouTube

Mayroon silang limang anak at hindi umano madali na maitaguyod at mabigay ang kanilang mga pangangailangan. Kaya naman ito ang naging motibasyon nilang mag-asawa na mas lalo pang magsumikap sa buhay.

credit to Net 25 | YouTube

Marami na din ang mga negosyo ang kanilang pinasok at hindi nagtagumpay. Nagtinda din umano sila ng ice candy, at ice buko. Hanggang sa naisipan nilang magnegosyo gamit ang malunggay bilang pangunahing sangkap dahil malaking tulong umano ito sa katawan ng tao.

Mahilig umano sa herbal products si Merlita at nainspire sya sa health benefits na naibibigay ng malunggay. Maraming tao ang nagtatanim ng malunggay at halos araw-araw ay isinasahog ito sa gulay lalo na sa sabaw.

credit to Net 25 | YouTube

Kwento pa ng mag-asawa sa Life TV, nanghiram pa sila ng 14, 000 pesos sa kanilang mga anak upang gawing puhunan sa kanilang Super Moringa.

Isa pa sa ipinagpapasalamat nina Merlita at Jun ay naging bonding nilang magpamilya ang negosyo dahil bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang trabahong ginagampanan sa kanilang negosyo. Hindi man umano Malaki ang kanilang negosyo ay masaya pa rin sila na nakakapagbigay sila ng hanapbuhay sa iba na nagbebenta din ng kanilang mga produkto.

credit to Net 25 | YouTube

Kinilala na din ang Super Moringa at naparangalan ng Gawad Maunlad National Grand Winner, World Class Philippine Brand at Most Outstanding and Trusted Herbal Product Brand.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here