Sponsored Links

Sa hirap ng buhay, kahit mga matatanda na at hirap sa sa pagkilos, may ilan pa rin na pinipilit na maghanap buhay para lamang makatulong sa pamilya.

Isa na rito si nanay Liza na nagtitinda ng mga kakanin upang makatulong sa kanyang pamilya. Nagunit sa hindi nito inaasahan ay mayroon pa lang manloloko sa kanya. Mayron umanong bumili sa kanya ng kanyang paninda gamit ang P500 na per ana peke.

credit Mylyn Tupas | Facebook

P80.00 lang umano ang halaga ng binili ng customer nya kaya naman ay sinuklian nya ito ng P420.00 dahil hindi nya akalain na peke pala ang P500 na ibinayad sa kanya. Napag-alaman naman ito ni Mylyn Tupas dahil nadatnan nya na probelamdo at malungkot ang tindera. Doon niya nalaman ang buong pangyayari.

credit Mylyn Tupas | Facebook

Minabuti ni Mylyn na ibahagi sa Facebook ang pangyayaring ito. “Shout out sa kung sino ka mang babae ka na nanloko dito kay Nanay Liza, multuhin ka sana ng konsensya mo, ang kapal ng mukha mo”, galit na post nito.

“Hindi ka na naawa sa matanda binayaran mo ng pekeng P500. Halos nanlumo ‘yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya. Nakakuha ka na ng halagang P80 na kakanin, nasuklian ka pa ng P420 sa peke mong pera.  Diyos na ang bahala sa iyo. Makita mo sana itong mukha ng matanda sa wall mo, tingnan mo kung gaano siya kalungkot”, dagdag pa ni Mylyn.

Marami naman ang nakapansin sa post ni Mylyn at naawa sa kalagayan ng matanda na naghihirap na maghanapbuhay at naloko na ng masamang tao.

Marami ang nagpaabot ng tulong kay nanay Liza at masayang-masaya ito dahil hindi nya inaasahan iyon.

“Masaya na siya. Hindi na siya malungkot, pinasaya siya ng mga netizens na nagbigay ng kusang loob na tulong para sa kanya. Oh ayan, Nay Liza hindi ka na malungkot, may mga parating pa, kaya sahurin mo lang biyaya yan”, wika naman ni Mylyn sa matanda.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here