Home News kwentuhan ng mga batang matayog ang mga pangarap, Umantig sa mga netizens

kwentuhan ng mga batang matayog ang mga pangarap, Umantig sa mga netizens

0
kwentuhan ng mga batang matayog ang mga pangarap, Umantig sa mga netizens
Sponsored Links

Kahit mga bata ay may pangarap din sa buhay, kaya huwag natin silang maliitin dahil minsan ay nag-iisip din sila kagaya ng mga matatanda at nangangarap din sa buhay. Kagaya na lamang ng kwentong ibinahagi ng isang netizen na si Tim.

Si Tim ay taga General Santos, at isang araw habang naghihintay sya sa labas ng 7/11 ay narinig nya ang usapan ng dalawang bata at napamangha talaga ito.

credit to Tim | Facebook

“Bawal pa tayong makapagtrabaho ngayon kasi mga bata pa tayo eh. Pero paglaki natin magkakatrabaho tayo. Bibili ako ng Hilux. Lilibutin ko ang Pilipinas!” sabi umano ng batang may suot na tshirt na itim.

Sumagot naman ang kasama nitong batang naka tshirt na puti, “Ako, bibilhin ko ay van, para maraming makakasakay tapos bibili ako ng bahay.”

credit to Tim | Facebook

Naantig ang damdamin ni Tim sa kanyang narinig. Kahit mga bata pa umano ang dalawa ay nag-uusap na sila ng mga pangarap at gusto nilang marating balang araw. Kanyang ibinahagi sa Facebook ang kwentong ito at umani ng maraming reaksyon.

Caption ni Tim sa kanyang post, “Hope you two get the biggest dreams kiddo”. Marami naman ang nagbigay ng kanilang pagsuporta at komento sa dalawang bata.

“It is not impossible to reach your dream, boys. God bless you both and your family as well”, saad ng isang netizen.

Dagdag naman ng isang netizen, “Halos lahat ng tao may mga pangarap sa kanilang buhay. Ang kulang lang ay suporta ng magulang. Pero aanhin man maski pagkain hindi kayang ibigay ng mga magulang kaya hanggang paglaki nila hindi ito matutupad. Pero sana sa mga parents diyan bigyan talaga ng magandang kinabukasan ang mga anak.”

credit to Tim | Facebook

Napakasarap nga namang makarinig ng ganung usapan mula sa mga bata, nakakapagbigay ng inspirasyon sa atin. Kung mga bata ay may pangarap, dapat ay magsumikap din ang mga magulang upang matulungan sila.

“In GOD’S WILL, mga kuya. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Manalig lamang sa Diyos at kumayod para makatapos ng pag-aaral”, pahayag pa ng isang netizen.

Samantala, mayroon din naming mga pumuna sa mga bata dahil hindi sila nakasuot ng face masks at nasa labas sila ng kanilang mga tahanan. Bumilib pa rin ang maraming mga netizens sa mga bata dahil sa kabila ng mga negatibong mga pangyayari ngayon ay positibo parin sila sa buhay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here