Sponsored Links

Marami sa ating mga kapwa Pilipino ang nangingibang bansa upang humanap ng mas magandang trabaho upang mabigyan nila ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya at kinabukasan ang kanilang mga anak.

Nagtitiis ang ilan na mapalayo sa kanilang pamilya para lamang guminhawa ang buhay kumpara sa magkakasama at naghihirap.

Samantala, isang kahanga-hangang pagmamahal sa kapwa ang ipinamalas ng isang doktor na naging topnotcher sa 2019 Physician Board Exam. Siya ay si Dr. Temie Paul “Tipoy” Villarino. Dahil sa kanyang angking galling at husay sa larangan ng medesina ay maraming oportunidad ang naghihintay sa kanya sa ibang bansa, subalit mas pinili ang manatili sa bansa at magserbisyo sa liblib na lugar sa Zamboanga del Norte sa baryo ng Godod.

Dahil lumaki sa isang mahirap na baryo, nasaksihan ni Dr. Paul ang matinding pangangailangan ng mga tao para sa tulong sa kanilang kalusugan. Nasaksihan nya ang ilang mga tao na namamatay na lamang at hindi nakakatanggap ng tulong medical dahil walang doctor sa kanilang lugar dahil na rin sobrang malayo ito sa sentro ng probinsya.

“During the review phase ng aking journey as a physician, isa sa mga prayers was that kung magiging topnotcher ako, I will go back to serve my hometown. So ‘yun ‘yung panata ko sa Diyos natin, na babalik talaga ako dito’, pagbabahagi ni Dr. Paul.

Halos araw-araw na nilalakad at tinatahak ni Dr. Paul ang lubak-lubak na daan upang marating ang baryon na may 18, 000 na populasyon.

Dahil walang ibang doctor maliban kay Dr. Paul, umaabot sa 50-60 pasyente ang kanyang inaasikaso lunes hanggang biyernes, at halos 64 porsyento ng populasyon ay mahihirap.

“Gusto kong maging part ng solution, kasi napakadaming problema ng ating bansa. Napakadaling magreklamo po, sa totoo lang. Sa dinami-dami ng problema na pinapasan ng ating bansa, napakadaling magreklamo”, dagdag pa ni dr. Paul.

“But I’m trying my best to be part of the solution by being a physician, a doctor sa malayo at mahirap na bayan,” saad pa nito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here