Sponsored Links

Halos naman tayo ay nangangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan, isa na rin sa pinapangarap ng lahat lalo ng ating mga magulang ang mapagtapos ang kanilang anak. Minsan dahil na din sa estado ng buhay nagiging hadlang ito para matupad ang pangarap nating maging isang doktor, engineer o manager. Dahil lahat ng yan ay hindi natin makakamit kung hindi natapos ang ating pag-aaral.

Hindi naman sa nilalahat, Marami naman sa atin ang kahit hirap sa buhay ay nagawang makatapos ng pag-aaral kung hindi naman naging matagumpay sa buhay sa ibang larangan na hindi na pinasok ang edukasyon.

Madalas nadadala din tayo ng katamaran na siyang nagiging hadlang sa mga nais nating gawin ngunit itong si Arlyn Ramos isang lady guard sa paaralan ng Bulacan State University, ay hindi naging hadlang ang kanyang katayuan sa buhay upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at makapag-tapos sa kursong Food Service Management.

Si Arlyn ay anak ng isang mangingisda at lumaki sa hindi marangyang buhay ang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa kanyang ama. Sa lugar kung saan siya sekyu ay doon din siya nakapagtapos.

“Sa tatay ko po is ano lang po siya magtiyaga lang sa paghihintay sa akin. Sana maibigay ko ang pangangailangan niya talaga, ‘yung para sa kanya lang talaga. Pagtiyagaan niya na lang ako kasi ito lang po ‘yung nakakayanan ko na ibigay sa kanya hanggang ngayon,” saad ni Arlyn..

“Hindi po ganun kakontento ang nabibigay ko sa kanyang pera kasi nahahati sa pag-aaral ko at para sa kanya at sa pangungupahan ko ng bahay,” dagdag pa niya.

Tunay na nga napahirap makipagsapalaran sa mundong ito ngunit kung sasamahan mo ng dasal sipag at tyaga hindi malayong marating ang mga pangarap natin sa buhay. Tulad ni Arlyn nawa’y magsilbing inspirasyon sa iba ang kanyang tinahak.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here