Sponsored Links

May mga tao na sadyang biniyayaan ng kakaibang talent at galing sa pagguhit at pagpipinta. Maaring hindi madaling maalala ang pangalan at muka ng pinto, subalit tumatatak sa isipan ng mga tao ang kanilang mga gawang sining.

credit to John Jeff Camasis | Facebook

Kagaya na lamang ng naging viral na batang artist na si John Jeff Camasis, 19 taong gulang, mula sa Barangay Labawon, Buhi, Camarines Sur.

Kakaibang mangha ang iyong mararamdaman kapag makita mo ang kanyang mga gawa lalo na ang mga dahon na kanyang ipininta kamakailan lang. Mapapatingin ka talaga ng ilang beses kung ang gawa niya ay isang painting, o litrato, o tunay na dahoon dahil mukhang tunay talaga ito.

credit to John Jeff Camasis | Facebook

Isang hyperrealistic painting kung tawagin ang likhang sining na ito ni John Jeff na tinawag nyang “Leaves 1”. Ito ay 33×24 inches na painting na kanyang ginawa sa loob ng dalawang buwan, gamit ang acrylic paints.

credit to John Jeff Camasis | Facebook

“Makalipas Ang ilang buwang pag pupuyat…Tapos na” caption nito sa Facebook post, kasama ang mga larawan ng kanyang painting na mukhang tunay at buhay na mga dahon. Umabot na ng 1.6k reactions, at 301 shares ang naturang post.

“Para sakin na achieve ko ‘yun kasi nagpa-practice talaga ako. Nagmukha siyang totoo kasi nakuha ko dun ‘yung pasok ng ilaw, dark to light,” kwento ni John Jeff.

credit to John Jeff Camasis | Facebook

Ayon pa sa kanya, may malalim siyang dahilan kung bakit mga dahon ang kaniyang napiling ipinta.

“’Yan po naisip ko kasi relate po ‘yong dahon sa nangyayari po sa’tin ngayon. Kasi po kung makikita n’yo, may mga kinainan ito ng uod, parang nagsa-struggle siya. Na-relate ko po ‘yon sa mga tao ngayon na kahit mahirap ay nagpapatuloy pa rin mabuhay.”

Mensahe niya na huwag mawalan ng pag-asa kung hindi agad magtatagumpay sa buhay, at palagi lamang magsikap kahit may mga problemang nararanasan dahil balang araw ay may maganda itong patutunguhan.

credit to John Jeff Camasis | Facebook

Bukod pa sa napakagandang dahoon na kanyang ipininta, makikita din sa kanyang Facebook account ang iba pang napakagandang gawa nito kagaya na lamang ng portraits ni Iron Man at Captain America,

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here