Home News Limpak Limpak na Pera Aksidenteng Nahukay ng mga Construction Workers sa Surigao del Sur

Limpak Limpak na Pera Aksidenteng Nahukay ng mga Construction Workers sa Surigao del Sur

0
Limpak Limpak na Pera Aksidenteng Nahukay ng mga Construction Workers sa Surigao del Sur
Sponsored Links

Sa panahon ng pandemya, sino pa kaya ang mag iiwan ng pera sa kung saan-saan na maaring mapulot ng iba?

Sa ginagawang kanal sa Brgy, Telaje, Tandag City Surigao del Sur, nagkagulo-gulo ang mga construction workers sa isang di inaasahang mahuhukay sa kanilang pagtatrabaho.

Trending ang isang kwento na tampok sa programa sa GMA na Kapuso Mo Jessica Soho ang video ng mga construction workers sa Surigao del Sur na nakahukay ng isang malaking supot na naglalaman ng limpak limpak na pera.

May iilan na nagsasabing ito raw ay mahigit 100, 000, mayroon din naman na 300, 000 at may nagwikang aabot daw sa kalahating milyon ang halaga ng mga pera na nahukay at pinag parte parte ng mga nakakitang construction workers.

Ayon kay Wilfred Asilom, unang nakahukay ng pera, natamaan daw umano ng backhoe ang isang malaking supot at napunit ito at doon niya nakitang may mga lumabas na pera.

Labis labis ang tuwa ng mga nagtatrabaho sa kanilang nakita at itinuturing itong malaking biyaya lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Subalit ng ito ay kanilang sinuri, ang mga pera ay mga luma na at hindi na ginagamit ngayon. Ito ay mga demonetized na mga papel na 20, 50, 100, at 500 peso bill na naimprenta noong 1985-2017.

Baka galling sa illegal na Gawain, baka nakaw? wika ng isang residente kung bakit umano ay nailibing ang pera.

Ayon naman kay PLTCOL Jeffrey Laurence Mauricio, “Ongoing pa kasi ang investigation natin, kaga gusto namin malaman yung mga first na mga nag construct diyan. Mapatunayan talaga natin kung saan nanggaling ang mga pera na iyon”, PNP Chief Tandag City, Surigao del Sur.

Hindi na nga magagamit at mapapalitan ang mga perang nahukay ayon kay Maja Gratia Malic, Deputy Director, Banko Sentral ng Pilipinas, dahil umano ay natapos na ang nakalaang petsa na pwede pang papalitang ang mga pera sa Banko Sentral ng Pilipinas.

Nanghinayang naman ang mga construction workers sa pag aakalang makakatulong na sa kanila ang mga perang nahukay na wari’y hulog ng langit sa gitna ng krisis na nangyayari.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here