Sponsored Links

Isa sa mga pangarap ng bagong mag-asawa ay ang magkaroon ng sariling bahay na matitirhan at hiwalay sa mga magulang.

Samantala, ibinahagi naman ng vlogger na si Jane Micah Mendoza ang kanilang masayang kwento na nagsimula din sa maraming pagsubok at kalungkutan. Maraming beses na umano na naudlot ang kasal nilang mag-asawa. Ngunit dahil sa kanilang matinding pananampalataya sa Diyos ay nalampasan nila ang mga pagsubok at ngayon ay nag-eenjoy na ibahagi ang kanilang kwento.

Noong Nobyembre 2020, naituloy din ang kanilang kasal. “At the proper season, I will pour out the rain”, ito ang salita ng Diyos na pinanghahawakan umano ni Jane at ng kanyang asawa.

“Parehas kaming walang trabaho 2019. He had almost half a million loan to cope up with his house and car amortization dahil nadelay ang pagsakay niya sa barko. We had a business, but not enough to shoulder everything. We were really anxious that time that we kept on praying. Pinaghawakan ko yung promise ng Lord na ‘At the proper season, I will pour out rain”, saad ni ng vlogger.

Dahil sa mataimtim nilang pagdarasal ay tila narinig na rin sila agad ng Diyos at muli na nagkaroon sila ng trabaho. Noong mga panahong din iyon ay inalok ni Jester ng kasal si Jane Micah.

“Hanggang sa sabay kami nagkaroon ulit ng trabaho, so he asked me to get married na, of course I was worried. Kaya na ba namin? With his 6 months contract, pambayad pa lang sa mga utang ang kayang i-settle. Wala kaming pampakasal at pang-simula pero nagtiwala ako sa kanya”, kwento ni Micah.

Hindi naman nila inaasahan na magiging balakid na naman sa kanilang kasal ang pagkakataon, dahil nagkaroon ng pandemya ay muling naudlot ang kanilang kasal. Naextend din ang trabaho at kontrata ni Jester sa barko.

Ngunit hindi nila ito inisip na negatibo. “Ang amazing lang isipin kung gaano kaganda ang plano ni Lord, hindi mo man makita ngayon pero kumikilos Siya sa kabila ng worries mo. Higit pa sa inaakala mo”, wika ni Micah.

Nais nilang ibahagi ang kanilang kwento kung paano naging mabuti ang Diyos sa kanila dahil sa kanilang pananalig. Dumating din ang tamang panahon na sila ay nakapagpakasal, at nakabili na rin nag sariling bahay.

“Proud kami na puro DIY, sale, at regalo ng parents and ninang/ninong ang mga gamit namin. Truly God will provide, huwag ka mainip, may season ang blessings. Dapat lang faithful ka kahit wala pa. Mas maganda ang plano Niya sayo, higit pa sa inaakala mo”, saad ni Micah sa kanyang vlog ng kanilang house tour.

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here