Home News Magsasaka na may apat na anak napagtapos ng kolehiyo sa kabila ng hirap na naranasan nito

Magsasaka na may apat na anak napagtapos ng kolehiyo sa kabila ng hirap na naranasan nito

0
Magsasaka na may apat na anak napagtapos ng kolehiyo sa kabila ng hirap na naranasan nito
Sponsored Links

Pagsusumikap, tyaga at determinasyon sa isang bagay talaga ang puhunan upang makamit mo ang bagay na iyong pinapangarap, Huwag basta susukuan dahil balang araw ipagkakaloob din ito sa ating ng Amang lumikha. Tulad na lamang ng kwentong buhay ni Jerome Velez na salat man sa kahirapan ngunit nairaos ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.

Ayon sa kwento ng kanyang kaklase ni tatay na si Ading Salvante, na siyang nagbahagi sa kanyang socmed account at nakatawag atensiyon sa mga netizen dahilan na rin sa magandang halimbawa si Tatay Jerome Velez sa mga taong makakabasa ng kanyang istorya.

Si Tatay Jerome Velez, mula Claveria Misamis Oriental, at isang masipag na ama sa kanyang apat na anak na siyang nag-aaral din tulad niya. Ayon Ading si tatay jerome ay isang magsasaka kung minsan laborer o di kaya ay kapentero. Lahat na halos na klase ng trabaho ay papasukin niya para lamang may ipangtustos sa kanyang mga anak na siyang nagsisipasok din sa paaralan. Sadyang napakasipag niya at minsan din itong nagtrabaho sa palnta ng Del Monte. Sa trabaho niya sa nasabing kompanya mapapaisip ka na lang na ang hirap ng trabahong ito bilad sa araw.

Ayon pa sa kanyang kaklase si tatay ay nagtratrabaho sa umaga at pumapasok sa paaralan kung gabi. Noong unang makita ni Ading si tatay nagulat ito dahil si tatay Jerome ay nanginginig sa gutom. Kaya naman pala eh dahilan na rin ito manginig dahil sa sobrang pagod at gutom. Hindi alintana ni tatay ang ulan at init ng araw para lamang kumita ng pera, ganyan ilarawan ni Ading si tatay.

Sa isang banda dumating ang dagdag pagsubok kay tatay, Nang magkaroon ng Covld-l9 | pandemya sa buong mundo nabahala ng bahagya si Ading dahil magiging online class na sila at ang problema ay ang magamamit ni tatay para sa kanilang klase. Ngunit sa awa at tulong ng mga kaklase nila nagawa ni tatay makapag-aral online.

Sa wakas kahit na mahirap nagawa ni tatay ang pangarap na makapag-aral at matapos ang kursong
Bachelor of Science in Business Administration. Sambit pa ni Ading

“Bachelor of Science in Business Administration.“Why am I sharing Kuya Jerome’s story? Simply because it is worth celebrating. He never gave up of his dream and worked hard to make it real. I am proud of him and I hope you are too. May Kuya Jerome be a constant reminder that if all of us will just work hard and be faithful to God, nothing is impossible,”

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here