Home News Pangarap na bahay ng kanilang magulang tinupad ng siyam na magkakapatid na dating nakatira sa barong-barong

Pangarap na bahay ng kanilang magulang tinupad ng siyam na magkakapatid na dating nakatira sa barong-barong

0
Pangarap na bahay ng kanilang magulang tinupad ng siyam na magkakapatid na dating nakatira sa barong-barong
Sponsored Links

Hindi mo talaga masasabi ang takbo ng buhay kung dati nangangarap ka lamang na makamit ang bagay ng iyong minimithi para sa sarili mo at sa mahal mo sa buhay. Isang inspirasyon at kwentong buhay ang ibinahagi ng isang netizen na si Sar Calva mula sa socmed group na Home Buddies kung saan ikiwento niya ang hirap na napagdaan ng kanyang pamilya noong bata pa sila.

photo credit to Sar Calva
photo credit to Sar Calva

Ayon kay Sar sila lamang ay nakikitira noon kung kanino-kanino, naranasan mapalayas at nakaranas din tumira sa bundok kung saan walang kuryente at malayo sa kabihasnan. Ngunit ang kanilang mga magulang ang nagmulat sa kanila na pahalagahan ang edukasyon. Sa kahit anong paraan o hirap na napagdaanan basta lamang sa pag-aaral ginagawan ng paraan ng kanilang magulang.

photo credit to Sar Calva

Dumating din naman sa punto na silang magkakatid ay nakaranas magkaroon ng bahay ngunit sa tinatawag nilang barong barong lamang. Sa paglipas ng panahon nagkaroon silang magkakapatid ng kanya kanyang buhay at sariling pamilya ngunit hindi nawaglit sa kanila ang pangarap ng kanilang magulang.

Sa ngayon ang pangarap na iyon ay buo na at natupad na, ngunit wala na ang kanilang mga magulang. Ganunpaman alam nila na masaya ang mga ito kung saan man sila naroon. Laking pasasalamat ng magkakatid sa isa nilang kapatid na siyang nanguna upang mapaayos at mabigyan buhay ang pangarap ng kanilang magulang.

Ayon pa kay Sar kahit na hindi arketekto ang kanyang kapatid siya ang nagplano ng kabuunan ng bahay kasama na din dyan ang ambag na ideya ng ilan sa kanyang mga kapatid. Nang matapos ang bahay na pangarap walang pagsidlan ang kanilang tuwa at pagbabalik tanaw sa hirap na naranasaan noon.

Napakalaki ng bahay at ang sarap magtipon at magkape sa kanilang roof top kung saan madalas din ang kanilang bonding dito. Ang ilan sa mga gamit sa bahay pinagtulungan din nilang mabili kaya naman halos kumpleto na ang mga kasangkapan dito.

photo credit to Sar Calva

Sambit pa niya hindi man inabutan ng kanilang magulang ang pangarap na bahay, alam nilang masaya naman ang mga ito sa pagtupad nilang siyam na magkakapatid na maisakatuparan pangarap na bahay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here