Sponsored Links

Sino ba naman ang hindi makakapukaw ng atensyon sa kagandahan ng isang dalagang tulad niya, alam naman natin na marami na rin ang sumikat o nag trending online na iba’t ibang magaganda at gwapo dahil sa kanilang mga trabaho.

Kung tulad ng 17-anyos na dalaga ang makikita mong nagtitinda ng bibingka at ganito kaganda tulad ni Cristy Cuizon, malamang na ubusin mo ang paninda niya. Tubong Danao Cebu City si Cristy at sa halip na maging kontesera sa mga patimpalak ng pagandahan mas ninais nitong magtinda ng bibingka upang makatulong sa kanyang pamilya.

Pangkaraniwan na sa ating mga Filipino na kapag may magandang mukha agad na itong ginagamit na puhunan upang maging isang beauty queen, ngunit sa kaso ni Cristy kakaibang diskarte ang kanyang pinasok kaya naman marami ang napahanga dito. Bukod sa taglay na diskarte sa buhay ay hindi mo maikakaila ang angkin niyang ganda.

Nag-umpisang magtinda si Cristy sa edad na 7 taong gulang, dahil ang bibingka ang kinabubuhay ng kanyang pamilya si Cristy ay napasabak na rin sa ganitong negosyo. Hanggan isang araw napukaw ang atensyon ni Clark Dumon ng Darkroom kaya naman agad nitong pinitikan ng magandang anggulo ang dalaga. Ayon kay Clark nasa motorcross event siya noon ng maaninagan nito si Cristy at nagtitinda ng bibingka hanggang sa nakuhanan niya ito ng mga larawan na naitampok naman sa Cebu Daily News.

Hindi lamang diskarte at magandang mukha mayroon ang dalaga, may pangarap din siya na balang araw ay maging isang alagad ng batas. Kung saan nais nitong magsilbi sa ating bayan bilang bahagi ng ating kapulisan. Kaya naman mas lalong napabilib ang mga netizen sa dalaga. Bihira sa tulad niyang magadang dilag ang mangarap bilang pulis at dadaanan ang labis na training para lamang makapagsilbi sa ating bayan.

Kaya tiyak na mapapabili ka kung siya ang tindera ng bibingka ang makikita mo.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here