Sponsored Links

Sa dalawang pusong nagmamahalan hindi hadlang kung anuman ang kanilang estado sa buhay ang importante ay maipadama ang tunay na pag-ibig sa isa’t-isa at maipakita ang wagas na pagmamahalan sa kahit anong sitwasyon. Tulad na lamang sa dalawang magkasintahan sa Cebu kung saan nangyari ang nakakakilig na pag-propose ng isang babae sa kanyang nobyo na nakapiit sa kulungan.

Tila ba hindi naging hadlang ang mataas na pader at rehas para maipakita ng isang babae sa Cebu ang kanyang pagmamahal sa kasintahang nasa loob ng kulungan. Ilang araw bago ang Araw ng mga Puso, inalok ng isang babae ang kanyang boyfriend na nakakulong sa tulong ng mga babaeng inmates at ilang opisyal ng Balamban Municipal Jail.

Habang nakatanaw sa building ang lalaki, lakas loob na ipinakita ng babae ang singsing habang hawak naman ng ibang PDL ang mga placards na may nakalagay na “WILL YOU MARRY ME?”

Sumagot naman ng “Yes” ang lalaki batay sa post sa Official Facebook Page ng BJMP Balamban MJ.

Ayon sa post, “It’s extremely rare when a woman proposes to a man let alone mustering enough courage just to show the world how unconditional love can be. Just when you think you’ve seen everything, along comes a brave female visitor ready to profess her love and proposes to one of the PDL of Balamban Municipal Jail. Guess what, he said “Yes!” Tunay nga ang kasabihan na hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here