Home News Pinay sa Amerika nakakatipid ng malaking halaga na umaabot ng 75K kada buwan sa pagiging dumpster diver

Pinay sa Amerika nakakatipid ng malaking halaga na umaabot ng 75K kada buwan sa pagiging dumpster diver

0
Pinay sa Amerika nakakatipid ng malaking halaga na umaabot ng 75K kada buwan sa pagiging dumpster diver
Sponsored Links

Isang pinoy vlogger at dumpster diver ang naging usap usapan sa media ng mga nitizens sa paglabas nito sa isang noontime show sa GMa7 na “Eat Bulaga” sa segment na “Bawal Judgemental”. Ito ay sa katauhan ni Rona Meloche na naninirahan sa Florida, USA kasama ang kaniyang Amerikanong asawa na si Chris Meloche at ang kanilang anak.

Si Rona Meloche o kilala bilang si “Inday Roning” ay madalas mapanuod sa mga vlogs niyang namamasura sa Amerika. Sino nga ba ang magsasabing walang pera sa basura kung inyong napanuod ang kanyang vlog na sila ay halos makatipid ng Php75,000 sa kanilang gastusin sa isang buwan? Tama ang iyong nabasa, Php 75,000 ang natitipid ng maganak ni Rona sa loob ng isang buwan dahil lamang sa pamamasura niya. Ngunit paano at bakit nga ba?

Halos hindi na lumabas para mag grocery si Rona Meloche para sa kaniyang pamilya dahil nasa basurahan na ang kanilang mga pangagailangan. Mga prutas at gulay, karne, itlog at juice at kung ano ano pang pagkain ang kanyang nakukuha sa kanyang pagiging dumpster diver. Marahil ang pagkaka alam ng iba sa atin ay bawal ang ganitong gawain sa ibang bansa ngunit ayon sa vlogger ay hindi naman daw ito bawal. Hindi lamang pwedeng pasukin ang mga lugar na restricted o “ No Trespassing” area.

Ngunit ligtas nga ba ang mga pagkaing ito? Opo! Dahil sinisiguro din ng vlogger ang kaligtasan ng kanyang pamilya. Kanyang tinitingan ang mga expiration date ng mga pagkain bago ito kunin. Madalas din silang nasa gilid ng mga grocery stores at supermarket kaya’t halos bago din ang mga pagkaing kanilang nakukuha.

Sa kabila ng ginagawang ito ng vlogger ay nagagawa pa niyang ibahagi sa mga tao ang kaniyang mga nakukuhang pagkain. Hindi niya nakakalimutan ang tumulong sa kanyang kapwa.

Proud na proud ang asawa ni Rona sa kanya dahil sa kaniyang mga ginagawa. Ayon sa vlogger wala namang dapat ikahiya lalo kung marangal naman ang mga trabahong ginagawa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here