Home Public Info OFW Pinay OFW maswerteng nakatagpo ng amo na itinuturing itong kapamilya, kasama sa hapag kainan at ipinagsandok pa ng pagkain

Pinay OFW maswerteng nakatagpo ng amo na itinuturing itong kapamilya, kasama sa hapag kainan at ipinagsandok pa ng pagkain

0
Pinay OFW maswerteng nakatagpo ng amo na itinuturing itong kapamilya, kasama sa hapag kainan at ipinagsandok pa ng pagkain
Sponsored Links

Maraming tao ang nakakaranas ng kahirapan sa Pilipinas. Ang isa sa mga paraan na nakikita ng mga tao ay ang pagiging OFW o pagtatatrabaho sa ibang bansa. May mga OFW na mapalad sa mga nakukuhang amo ngunit mayroon din namang mga hindi rin pinalad magkaroon ng mabuting amo. Ang iba ay nakararanas ng kalupitan o pananakit sa kabila ng kahirapang kanilang kinakaharap sa araw araw.

Bukod sa hirap dahil nilalabanan nila ang lungkot na nararanasan dahil hindi kasama ang pamilya ay dagdag pa ang pagkakaroon ng malulupit na amo. Gustuhin man nilang umuwi ay hindi basta bastang magagawa sapagkat ang iba ay itinatago pa ang kanilang mga visa. Kamakailan lamang ay nakarinig tayo ng pagpaslang sa ilang mga OFWs. Bagay na marahil ay nakapagpahina sa loob ng ibang nais na maging OFW.

Ngunit alam naman nating hindi lahat ng tao ay masasama kung kaya’t hindi rin nawawalan ng pagasa ang ibang mga OFW. Ang iba ay halos kapamilya kung ituring ang mga kababayan nating OFW. Nito lamang nakaraan ay naging trending ang isang tiktok video kung saan ay ipinaghahain ng pagkain ng isang amo ang kanyang kasambahay.

Nakaupo rin ito kasama ng pamilya sa hapag kainan na hindi madalas mangyari bilang isang kasambahay. Mapapansin sa video na nakikipagusap pa ang kasambahay sa kanyang amo na wari ay myembro din siya ng pamilya. Mapapansin din na ang kasambahay ang unang binigyan ng pagkain bago ang kanyang mga kapamilya. Inulan ito ng magagandang komento na tiyak namang nakapagpatatag sa mga OFW nating kababayan na patuloy na lumaban sa hamon ng buhay.

Isa lamang itong patunay na sa likod ng mapanakit na mundo ay mayroon pa ring mga taong may ginintuang puso. Hindi man kapareho ng lahi ngunit ang pagiging  makatao at marunong magmahal sa kapwa ay patuloy na nakalalamang.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here