Sponsored Links

Sa panahon ngayon, hirap na hirap na ang mga tao na makahanap ng kanilang masasakyan patungo sa kanilang mga trabaho o pupuntahan. Ito ay dulot ng pandemyang kinakaharap ng sangkatauhan. Kinakailangang mag social distancing para maiwasan ang paglaganap ng virus.

Ngayon, sobrang limitado na lamang ang makakasakay sa mga pampublikong sasakyan. Bukod pa roon ay konti na lamang ang mga bumibyaheng driver dahil na rin sa takot. Ito rin ang naging rason kung bakit usong uso ngayon ang pag-gamit ng bisikleta.

Talagang magandang alternatibong transportasyon ang bisikleta. Bukod sa mura ay napakadali pa nitong gamitin. Gayunpaman, may iilan pa rin na hindi talaga kayang bumili ng bisikleta.

Sa Facebook, naging viral ang post na ibinahagi ni Roswel Placigo kung saan makikita ang isang matandang lalaki na nag-aayos na kanyang bisikleta. Nakilala ang lalaki sa pangalang Jhonny Cuevas na may edad na 52 anyos. Makikita si Jhonny na inaayos ang kanyang bisikleta sa gilid ng kalsada sa Palo Market sa Leyte.

Makikitang sira-sira na talaga ang bisikleta ni tatay Jhonny at dinikitan niya na lamang ito ng mga goma at kahoy para kanya pang magamit. Dahil na nga rin sa buhay, ay hindi niya magawang bumili ng bago. Itong bisikleta na rin ang kanyang ginagamit patungo sa iba’t ibang lugar upang makapagtrabaho bilang taga-gawa ng mga sirang payong.

“Eto po yung esang tatay na nag aayos ng kanyang bike…kawawa po sya…kung mayron po kayung maitotolong…sana po matolongan niyo po sya…” caption ni Roswel sa kanyang Facebook post.

Maraming netizens ang nakapansin sa post ni Roswel. Kumalat ito sa social media at marami rin ang nagmention at nag-tag ng mga kilalang personalidad gaya nila Raffy Tulfo, Jessica Soho at iba pa.

Kamakailang lang ay nag-update na si Roswel sa kanyang Facebook account na nabigyan na ng bagong bisikleta si tatay Jhonny galing sa donasyon ng isang netizen na si JB Javier. Bukod sa bagong bisikleta, nagbigay rin ng tulong pinansyal ang iba pang mga netizens.

Lubos namang nagpapasalamat si tatay Jhonny sa lahat ng mga tumulong at sa mga tutulong pa, “Marami pong salamat sa nagbigay sa amin ng tulong at sa darating pa ‘hong tulong. Sana ho ay gumanda ho ang buhay natin ngayon darating na kapaskuhan,” wika ni tatay Jhonny.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here