Sponsored Links

Kapag nakakakita ka ba ng post sa Facebook o Instagram na mga bulaklak at halaman ay nakakaramdam ka ng matinding pagkagusto rin na magkaroon nito? O kapag nakakita ka ng nagtitinda ng mga halaman ay agad-agad mo itong binibili? Maaring isa ka na rin sa mga “certified plantito at plantita”ng bayan!

Isa sa mga kinagigiliwan at ginagawang pangkabuhayan ngayong panahon ng pandemya ang paghahalaman. Magmula sa mga namumulaklak na halaman, mga indoor plants, succuoents, mga gulay, at iba pa, maraming tao ngayon ang nahuhumaling sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman.

Kamakailan lamang ay usap-usapan ang mga halaman dahil sa mga halagang napakamahal. Isa na si Marvin Braceros na nagsimula lamang bumili ng isang halaman at sa kalaunan ay hindi na mapigilan ang sarili sa pagbibili pa ng maraming halaman.

“In my experience, once bumili ka ng isa, tuluy-tuloy na yun. Hindi mo mapigilan ang sarili mong bumili ulit. Before you know it, mukha ng jungle ang bahay mo,” pahayag ni Marvin.

Si Marvin ay dating restaurateur na naging plant seller. Kahit naging “addict”plantito ito, napakinabangan naman nito ang kanyang hilig sa paghahalaman dahil nagmamay-ari na sya ngayon ng Respira, isang store na nagtitinda ng iba’t-ibang halaman. Mayroon na umanong tatlong branches ang Respira sa Maynila.

Ayon kay Marvin, madalas nyang customers ang mga taong nakatira sa condominium dahil madalas ay may kakayanan silang bumili ng mga halaman kahit pa mamahalin ang mga ito.

Kabisado n ani Marvin ang kalakaran at pag nenegosyo ng mga halaman pati na rin ang mga presyo nito. Ilan umano sa mga halaman na may malaking halaga ay ang caramel marble philodendron na umaabot ng P80, 000 pesos ang tatlong dahon nito. Ang white congo plant naman na may tatlong dahoon ay maaring ibenta sa halagang P30, 000 pesos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by pdxplantmom (@pdxplantmom) on

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Story Boutique (@story_lexington) on

Ang variegated fiddle naman ay umaabot ng P70, 000 pesos ang halaga, samantalang ang monstera albo naman ay nasa P25, 000 pesos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Twisted Pots (@twistedpots) on

Ayon pa kay Marvin, naging basehan na din ang dahon at itsura ng halaman sa kanyang presyo. Inilahad pa nito na sa Pilipinas lamang nagkaroon ng ganitong pagtaas sa halaga ng mga halaman dahil naging uso ito ngayong pandemya.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here