Home News “She was with me even I cannot afford to buy her gifts on our anniversaries…”: Ulirang girlfriend, pinuri ng boyfriend sa kanyang pagtatapos sa pag-aaral

“She was with me even I cannot afford to buy her gifts on our anniversaries…”: Ulirang girlfriend, pinuri ng boyfriend sa kanyang pagtatapos sa pag-aaral

0
“She was with me even I cannot afford to buy her gifts on our anniversaries…”: Ulirang girlfriend, pinuri ng boyfriend sa kanyang pagtatapos sa pag-aaral
Sponsored Links

Narito ang isa na namang kwento na mapapa “Sana all” ka na lang dahil sa kahanga-hangang pagpapakita ng pagmamahal at commitment sa isang relasyon.

“She was with me even I cannot afford to buy her gifts on our anniversaries. She was with me when failed 3 subjects in midterm and almost [lost] hope,” Danniel added. “And I will make sure that SHE WILL BE WITH ME IN MY SUCCESS!”, ito ang mga salitang talaga namang mapapabilib ka.

Itinuturing ni Daniel Tubal na malaking pagpapala sa kanya ang kanyang girlfriend na si Mariatherese Palma na kahit umano na hindi sya mapera kagaya ng ibang lalaki ay hindi sya iniwan o ipinagpalit ng kanyang kasintahan.

Kamakailan lang sa pagtatapos ni Daniel sa kursong B.S. Civil Engineering, ipinasalamatan at pinuri nya ang babaeng naging malaking bahagi ng kanyang tagumpay at pagpupusirge sa pag-aaral.

Credit to Danniel Tubal | Facebook

Marahil may mga babaeng nagkakagusto sa mga lalaking may pera at may kakayanang material upang makapagbigay ng mga regalo, maipasyal sa mga magagandang lugar, mai-date sa mga mamahaling hotel o restawrant. Samantala, mas pinili ni Mariatherese na manatili kay Daniel sa kabila ng pagiging mahirap nito.

“She was with me when I can only afford kwek2 for our date,” wika ni Daniel sa kanyang post sa Facebook. “She was with me and offered me 70% of her allowance when she knows that I only have 20 pesos on my pocket for my whole day class. Hindi nya sinasabi skin, iniiwan lang nya sa pockets ng bag ko, then pag nasa skul nako mag txtxt nlng sya na, ‘jam nasa pocket ng bag mo yung pang lunch ha,’” dagdag pa nito.

Credit to Danniel Tubal | Facebook

Kahit na walang mga regalo sa kanilang espesyal na mga araw kagaya ng anniversaries, nauunawaan umano ni Mariatherese ang kalagayan ng boyfriend at hindi ito naging basehan para iwanan sya hanggang sya ay nakapagtapos na nga sa pag-aaral.

https://www.facebook.com/dannielgelicametubal/posts/443205196638601

Sa pagkakataong ito, nais naman ni Daniel na makabawi sa girlfriend sa kabutihang loob at pagmamahal na ibinigay sa kanya ni Mariatherese.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here