Home News Mga kawatan, naawa sa kanilang biktima at binalik ang ninakaw na pera

Mga kawatan, naawa sa kanilang biktima at binalik ang ninakaw na pera

0
Mga kawatan, naawa sa kanilang biktima at binalik ang ninakaw na pera
Sponsored Links

Sa mundo ngayon ay maraming mga pangyayari ang hindi natin inaasahan ngunit sadyang nangyayari, kagaya na lamang ng mga krimen at kalamidad, pandemya at kung anu-ano pa.

Dahil sa hirap ng buhay, may ibang tao na pinili na lamang gumawa ng krimen o manglamang sa kapwa upang magkapera at may mapakain sa pamilya. Labag man ito sa kanilang kalooban ngunit inuudyok sila ng matinding kahirapan.

Kagaya na lamang ng eksenang ito na nangyari kamakailan lamang. Isang delivery rider ang pinagnakawan ng dalawang lalaki. Nakuhanan ng video ang pangyayari at makikita na habang nakahinto ang delivery rider ay bigla na lamang syang nilapitan ng dalawang lalaki at pilit na kinukuha ang kanyang kita sa pagtatrabaho.

Marahil sa takot at pangamba ng delivery rider ay wala na syang nagawa at binigay ang kaunting kinita sa buong araw na pagtatrabaho. Marahil ay naisip nito na mas mahalaga ang kanyang buhay kaysa sap era at baka ano pa ang mangyari sa kanya kung lalabanan nya ang dalawang kawatan.

Dali-dali din na umalis ang dalawang kawatan. Ngunit mga ilang segundo pa lamang ang nakakalipas ay bigla nilang binalikan ang rider.

Labis ang pag-iyak ng rider at binalik ng dalawang lalaki ang kanyang pera. Hindi nya inaasahan na mapupukaw ang konsensya ng mga kawatan at ibalik sa kanya ang kanilang kinuha. Mas nakakagulat pa noong niyakap pa sya ng dalawang rider bago sila tuluyang umalis.

Isang kakaibang eksena na sobrang bihira lang mangyari ngayon. Kadalasan ay mga walang awa ang mga gumagawa ng krimen kahit pa masaktan nila ang kanilang biktima. Ang naturang pangyayari ay nagpapakita lamang na mayroon pa ring mga tao na labag sa kalooban nila ang panlalamang sa kapwa ngunit napipilitan lang silang gumawa ng masama dahil sa kahirapan.

Sana ay marami pang mga gumagawa ng krimen ang magbagong-buhay at maisip na itigil na lamang ang pag-gawa ng kasamaan sa kapwa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here