
Dahil sa Internet, tila abot na natin ang lahat ng sulok ng mundo, nakikita ang mga bagay na sobrang malayo man sa atin ay tila nasa paligid lamang. Dahil din sa Internet, hindi na mahirap ang komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay abroad.
Samantala, naging uso naman ngayon ang vlogging. May mga artista at ordinaryong tao na nahuhumaling sa pag-gawa ng mga content ayon sa kanilang nais. May iba na gumagawa ng travel vlogs, vlogs ng kanilang daily routine, at may iba din naman na gumagawa ng mga food vlogs.

Isa sa mga kilalang food vlogger ay si Mikey Chen. Sa isa sa mga latest vlogs nito sa kanyang YouTube channel ay tampok ang isang Pinoy eatery na “Old Rooster Creek’s Filipino / Asian American BBQ”, sa roadside eatery sa Princeton, Texas.

Ang nabanggit na roadside eatery ay nagsimula pa umano noong 2017 ngunit nag-serve lamang sila ng mga American grill foods. Kalaunan, naisipan nil ana maghain ng mga pagkaing Pinoy upang hindi umano ma miss ng mga Pilipino ang mga pagkain sa Pilipinas.

Ang “Old Rooster Creek’s Filipino / Asian American BBQ” ay maari lamang puntahan kapag weekends dahil ang mga Pinoy na may-ari na at cook na sina Josephine and Allen ay mayroong trabaho tuwing weekdays.

Nagse-serve sila ng mga pagkaing Pinoy katulad na lamang ng sikat na lechon, igado, pancit, sisig, dinuguan, barbecue skewers, at marami pang iba. May mapupuntahan na ang mga Pinoy sa tuwing gusto nilang kumain ng mga pagkaing Pinoy.

Ipinakita ng vlogger na si Chen ang iba’t-ibang bahagi ng eatery, pati na rin ang area kung saan niluluto ang lechon. Nabanggit din ng vlogger na hindi kumpleto ang isang kainan ng mga Pinoy kung walang karaoke.
Dahil sa vlog ni Chen, mas dumami pa ang mga Pinoy na dumadayo sa “Old Rooster Creek’s Filipino / Asian American BBQ”.