Sponsored Links

May mga bagay na hindi basta-basta nakukuha agad, ngunit kailangan itong paghirapan at pagtyagaan bago makuha. Minsan ay kailangan din naman natin na maghintay at magkaroon ng disiplina bago natin makuha ang mga bagay na nais natin.

Dahil sa kanyang “Barya Challenge” si Alejandro V. Colcol ay nakabili ng pinapangarap nyang bisikleta. Nakaraang taon pa umano sinimulan ni Alejandro ang kanyang pag-iipon. Hunyo 2020 noon ng naisipan nya na mag-ipon upang makabili ng bisikleta.

Alejandro V. Colcol | Facebook

Umabot din ng 10 buwan ang kanyang barya challenge at hindi nya namalayan na malaki na pala ang kanyang naipon.

Noong Abril 8 nitong taon lamang ay binuksan na nya ang kanyang mga alkansya at malaking halaga ang kanyang naipon na sapat upang mabili nya ang isang bike na nagkakahalaga ng 15,900 pesos sa shop na Bike Bike Bike sa Bacoor, Cavite.

credit to Bike Bike Bike Bacoor Cavite | Facebook

“Kahit may mga gala, minsan di na sumasama. Or may nakitang sale na shoes or damit na gusto ko, hinahawakan ko lang then ina-absorb ‘yung positive vibes na someday, kaya ko tong bilhin na ‘di umaaray sa price,” pahayag niya.

Hindi nayan nya inuubos ang kanyang pera para sa kanyang bisikleta dahil isinasantabi rin nya ang iba para sa ambag nya sa kanyang pamilya para sa kanilang gastusin sa kuryente, tubig, pati na rin sa kanyang insurance.

credit to Bike Bike Bike Bacoor Cavite | Facebook

Payo naman ni Alejandro, “Unahin ang responsibilities before anything else na gastos. Prioritize ano ba talaga gusto mo. And just set your mind to it. Ang pag-share ng mga pictures ng pera at ginto sa FB ay hindi paraan para magkapera at makaipon.”

Gamitin umano ang mga talento, disiplina at sipag upang magkapera, at higit sa lahat ay magkaroon ng tiwala sa Panginoon.

credit to Bike Bike Bike Bacoor Cavite | Facebook

“Unahin mo si God. Dahil lahat ng blessings nanggagaling sa kanya. Yun ang tunay na law of attraction. Pag inuna mo si God, ma-attract mo ‘yung mga ninanais ng puso mo. At huwag mainggit. I-inspire mo lang ang sarili mo”, dagdag pa ni Alejandro.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here