Sponsored Links

Kanya-kanyang diskarte ngayon ang mga tao para lang mabuhay. Marami ang nawalan ng trabaho, nalugi ang negosyo at naging  mas mahirap lalo ang pagkakaroon ng income. Ito ay hindi lamang nararanasan sa iilang parte ng bansa kundi buong bansa at buong mundo ay naghihirap dahil sa COVID-19.

Dahil sa pagpapatigil ng mga pampublikong transportasyon, hindi lamang sa pangkalupaan, kundi pati narin sa pandagat at pangkalawakan, maraming mga nagtatrabaho ang naapektuhan.

Sophia Tolentino | fb

Isa lamang si Sophia Tolentino sa libo libong mga nagtatrabaho bilang flight attendant ang pansamantalang nawalan ng trabahao. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang pagiging FA ay pagkakaroon din ng mas magandang sahod o income kumpara sa regular na mangagawa sa isang kompanya o opisina sa pamahalaan.

Bukod sa nakakapunta sa ibang-ibang lugar, maraming magagandang oportunidad ang nakikita sa pagiging isang FA. Subalit dahil sa pandemya, walang FA ang makakapag eenjoy sa paglipad.

Sophia Tolentino | fb

Subalit hindi naging hadlang kay Sophia ang pandemya upang hindi makapaghanap ng paraan na kumita sa kabila ng pagkawala ng trabaho.

Kamakailan lang ang maraming napamangha sa kanyang post sa social media dahil ang FA ay naging isang online seller ng pagkain na siya rin mismo ang nagdedeliver sa mga customers.

Sophia Tolentino | fb

Gumawa umano si Sophia “JustCrave” online food store kung saan siya ay nagluluto ng mga Korean foods kagaya ng home-baked sushi and Korean side dishes katulad ng California Bake, Spicy Duo (Salmon and Crab), Spicy Stir-fried Odeng, at Kimbap.

“Waking up everyday, I keep on asking myself if what more or what else I can do to be more productive and to earn extra income since the airline industry will take 2-3 years before mag back to normal operations. So I came up on an idea to sell trending food online,” wika ni Sophia.

Tumatanggap lang dawn g order for delivery si Sophia sa Mexico at San Luis, Pampanga at siya mismo ang nagmamaneho ng motorsiklo papunta sa lugar ng customers.

“Let’s stop pulling people down. Instead, help each other succeed. We all have our own ways of coping and dealing with the effect of this pandemic, support people who are going out of their comfort zones and trying their best to be better,” dugtong pa ni Sophia sa kanyang post.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here