Sponsored Links

Ang pagiging isang arkitekto ay hindi madaling trabaho. Ito ay dapat pinag-aaralan ng maigi at mahusay upang maging maganda ang disenyo na naaayon din sa nais ng iyong mga kliyente. At marahil nga kung ikaw ang isang arkitekto, ang pinaka-unang bahay na nais mong pagandahin ay ang iyong sariling bahay.

Ngunit naging usapan ang isang obra dahil sa magandang disenyo na gawa hindi ng isang interior designer o arkitekto, kundi gawa ng isang fresh graduate sa Civil Engineering na si Sonder Evennys Layugan Agusti. Si Sonder ay taga Ilocos Norte at sya ay 22 taong gulang pa lamang.

Makikita sa kanyang mga ibinahaging mga larawan ang isang lumang kwarto na may katamtaman ang laki at medyo madilim. Inayos ito ni Sonder at pinaganda. Hindi mo akalain na magiging napakaganda nito.

Ang pagrenovate ng kanyang kwarto ay bunga umano ng pagkabagot simula ng nagkaroon ng quarantine noong nagsimula ang pandemya. Gamit ang kanyang naipong pera simula noong June, bumili siya ng mga power tools at mga materyales kagaya ng kahoy.

Umabot ng 30 araw sa apat na buwan ang room renovation ni Sonder. Naging malaking tulong din ang kanyang mga kaibigan sa pagpapaayos nya ng kanyang kwarto.

Isa sa mga highlight ng room renovation ay ang isang wall painting na ginawa mismo ni Sonder at ng kanyang mga kaibigan. Unang pininturahan ng puti ang wall pagkatapos ay nilagyan na ng wall painting na disenyo. At matapos ang matrabahong pagpipinta, ay nakita na nila ang bunga ng kanilang likhang sining sa loob mismo ng kwarto ni Sonder.

“And now, here it is. The Great Wave of Kanagawa, right in front my eyes, mesmerizing me as I wake up in the morning. It felt like I’m in a deeper dimension. Full of dreams, actions, and satisfaction, I’m so happy that I made something a place I can call a paradise…” wika ni Sonder. Ayon pa sa kanya, iyon daw ang kwarto na matagal na nyang pinapangarap at sa wakas ay naisakatuparan narin.

Maraming papuri ang natanggap ni Sonder mula sa mga humangang netizens sa kanilang tyaga at sipag sa pag-aayos ng kanyang kwarto, at sa likhang sining na kamangha-mangha at napakaganda.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here