Home News Throwback ng Isang Babae na may 7 na Anak na Iniwan ng Kanyang Asawa, Ngayon ay Mas Lalo na Siyang Gumanda

Throwback ng Isang Babae na may 7 na Anak na Iniwan ng Kanyang Asawa, Ngayon ay Mas Lalo na Siyang Gumanda

0
Throwback ng Isang Babae na may 7 na Anak na Iniwan ng Kanyang Asawa, Ngayon ay Mas Lalo na Siyang Gumanda
Sponsored Links

Hindi na bago ang mga kwento ng hiwalayan, at mga mag-asawang hindi na nagsasama dahil isa sa kanila marahil ay may iba nang karelasyon o di naman kaya ay hindi na nagwork-out ang pagsasama.

Madalas itong nangyayari lalo na sa mga artista, marahil sa trabaho narin siguro. Subalit madalas din itong mangyari sa mga mag-asawang hindi magkasama dahil isa sa kanila ay nagtatrabaho sa malayong lugar.

Isa na rin ang kwento ng isang OFW na si Michelle Valenzuela na iniwan umano ng kanyang mister sa kabila ng pagkakaroon nila ng pitong anak.

Ibinahagi ng OFW Secret Files na Facebook Page ang dating buhay nito kasama ang kanyang mga anak. Sa video na umani na ng mahigit 1.5 million views, ipinakita ang dating ichura ni Michelle noong sya ay hindi pa nakakapagtrabaho sa ibang bansa.

Dahil sa pag iwan sa kanya ng kanyang asawa, minabuti nito na maging matatag bilang single mom upang buhayin ang mga anak, kaya’t nakipag sapalaran ito sa abroad.

Hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan na mapalayo sa mga anak. Tiniis ang hirap at pagod upang kumita at may maipadala sa pamilya. Kapansin-pansin din ang pagbabagong pisikal ni Michelle.

Kung dati ay maitim at payat ito dahil sa hirap ng buhay, ngayon ay maputi na ito at lumabas ang kagandahan. Isa sa mga naging sikreto nito ay ang hindi pagpapaapekto sa nangyari sa kanyang nakaraan. Mas pinili niyang maging mas mabuting bersyon ng kanyang sarili para narin sa kanyang mga anak.

“She deserves someone better”, ika nga ng maraming netizens na nakikisimpatya sa kanyang pinagdaanan.

Mas mainam nag anti, ang hindi pag gawa ng masama kundi ang pag-gawa ng mabuti lalong-lalo na para sa sarili at sa pamilya.

Hindi man naging masaya ang nakaraan ni Michelle, may kakayahan naman siyang baguhin ito at ayusin para sa kanyang pamilya sa kabila ng pagiging single mom. Ito nga ay isang “sweet and beautiful revenge” para sa lalaking nang-iwan sa kanya.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here