Sponsored Links

Walang imposible sa taong may likas na talent at pagmamahal sa ginagawa. Limitado man ang mga gamit o mga material na pangangailangan ay lumalabas parin ang galing at kakayanan nitong maghanap ng paraan upang mapaganda ang gawa.

Pinatunayan ito ng isang netizen na si Cijan Cimagala, na nagbabahagi ng kanyang mga litrato na kuha mula sa “stay at home low-budget photo shoot”.

Proud at masayang ibinahagi ni Cijan ang mga litrato na kuha lamang umano gamit ang kanyang cellphone, at mobile editing app.

Wala mang DSLR at laptop sap ag eedit ng mga larawan, humanga parin sa kanya ang mga nakakita ng kanyang gawa.

Makikita sa mga larawan na nasa loob lamang ng kanilang bahay ang photoshoot, gumamit lang si Cijan ng putting tela bilang background, may mga dahoon ng halaman at mga bulaklak na hawak ng kanyang mga subjects sa litrato, isang ring light, at foil paper na magsilbing reflector ng ilaw.

“Hello guys, another photo shoot namin. Ang ginamit namin ay mga dahon na kinuha lang namin sa aming bakuran. Cellphone pa rin ang gamit ko guys, wala po kasi akong DSLR camera. At sana magustuhan ninyo ito guys,” caption ni Cijan sa kanyang post.

Napag-alaman na mga kapatid at pinsan umano ni Cijan ang kanyang mga naging modelo sa photoshoot. Gamit ang malikhaing imahinasyon nito, naging maganda ang kinalabasan ng kanilang “stay at home low-budget photo shoot”, na kung hindi babangitin ay hindi mo malalamang cellphone at mobile app lamang ang gamit.

“Gusto ko pong maging photographer. Isa sa mga dahilan ay gusto ko pong maihaon sa kahirapan ang aking pamilya at gusto ko pong maibahagi na kailangan lang maging madiskarte para magkaroon ng magandang kuha ng photos,” pagbabahagi pa ni Cijan.

Umani naman ng magagandang komento ang gawa ni Cijan.

“O pak! Ang mga Pinoy talaga ‘di lang creative, resourceful pa. Hindi hadlang ang katayuan sa buhay para maipakita ang talent. Kudos! Ipagpatuloy mo lang iyan. Malay mo may makakita sa iyo at bigyan ka ng camera, o bigyan  ka ng work,” wika ng isang netizen.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here